Mga kahulugan ng ating panaginip at kung ano ang mensahe nito na ating kahaharapin

Loading...

Palagi ka na lang ba nananaginip ng mga kakaiba at tila palaging napapaisip kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng mga ito?

Ito ng aba ay may ipinapahayag na mensahe? O hindi kaya ito ang mga nakakagulo ng iyong isip na nais nang kumawala sa iyong isip.

Ayon sa Ashutosh Jain ng Medium.com, ang mga lihim na mensahe ng ating mga panaginip ay maaaring makapag pabago ng ating buhay.

1. Panaginip na kung saan ay mayroon nahabol sa iyo

Ito ay nangangahulugan na mayroon kang iniiwasang mga problema imbis na iyong harapin.

Maaaring sinasabi sa iyo ng iyong utak na maging matapang kang labanan ang mga problemang iyon.

2. Panaginip na kung saan ay nahuhulog o bumabagsak

Ito ay nanganaghulugan ng pagkabalisa at kawalan ng kontrol sa iyong sariling buhay.

Ayon sa Dream Dictionary, ang panaginip na ito ay ang kadalasang panaginip na nararanasan ng marami.

3. Panaginip na kung saan ikaw ay walang sapl0t sa harap ng maraming tao

Ito ay nangangahulugan ng pagka- inggit, pagka- pahiya o kahinaan.

4. Panaginip na bumagsak sa pagsusulit

Ito ay kadalasang dahilan ng pagkabalisa sa mga pagsusulit at pag aaral.

5. Panaginip na kung saan inakala mong gising ka na ngunit hindi pa pala

Ito ang panaginip na madalas maranasan sa umaga kung kailan malapit ka na magising ngunit hindi pa masyado.

6. Panaginip na may ahas

Kapag nakakita o tinuklaw ka ng ahas sa iyong panaginip, ito ay nangangahulugan ng lihim na takot at pag- aalala na mayroong nagbabanta sa iyo.

Ang iyong panaginip ay maaaring nag bababala sa iyo na posibleng wala kang kamalayan sa mga nagaganap.

7. Panaginip na lumilipad

Ito ay ang panaginip na kung saan ay kaaya- aya, masaya at nakaka- excite. Ito ay ang tinatawag na “lucid dreams” na ang ibig sabihin ay may kamalayan ka sa iyong napapanaginipan.

8. Panaginip na hindi ka makatakas o makatakbo

Kahit gaano mo pa subukan, hindi ka makakatakas. Ang iyong buhay doon ay nakadepende sa pagtakbo ngunit minsan ay kusang bumabagal ito at tila parang tumatakbo ka sa kawalan at patuloy na nabibigo.

9. Panaginip ng kam@tayan

Ito ay isang malalang panaginip na kung saan kinakailangan mong makakita at makipag usap sa mga yumao sa iyong panaginip upang balaan ka na ikaw ay napapaligiran ng mga negatibong tao.

10. Panaginip na mayroong kumikit!l ng buhay

Ang panaginip na ito ay nangangahulugan ng pigil na sama ng loob sa ibang tao.