Kilalanin ang isa pang anak na babae ni Willie Revillame na agaw-atensy0n sa socmed ngayon

Loading...

Marahil marami ang nakaka-kilala actor/host na si Wille Revillame dahil isa si Willie sa mga artista na talaga naman may mabuting puso para sa mga mahihirap.

Bukod diyan isa rin si Willie na sinasabing isa sa mga pinakamayaman sa bansa.

Isa sa mga naging karelasyon ni Willie ay si Bec-Bec Soriano at nagkaroon sila ng anak na babae at ito ay naging aktres din siya ay si Meryll Soriano.

Ngunit para sa mga hindi nakakaalam, Mayroon pang isang anak si Willie. At ito ay isa ding babae ito ay anak ni Willie sa dati niyang non-showbiz girlfriend.

Kamakailan lamang ay pinagusapan ang agaw pansin na larawan sa social media ng isang napakagandang babae.

Napag-alaman na ito pala ang isang anak ni Willie Revillame sa dati niyang girlfriend na si Sharon Viduya.

Ang babaeng napakaganda sa larawan ay si Marimonte Shanelle Video Revillame.

Pero hindi tulad ng kaniyang Ama at kapatid nito na si Merylle si Shanelle ay hindi pinasok ang mundo ng showbiz.

Makikita sa mga larawan ni Shanelle na taglay niya ang kagandahan at karisma na talaga naman na kahanga-hanga.

Para sa mga netizens na ngayon lang narinig na pangalan ni Marimonte Shanelle ay dati nababanggit na rin ito ni Kuya Wil.

Kung matatandaan ay noong taong 2007 ng si Willie ay nasa ABS-CBN station pa at sa show niyang “Wowowee” ay ibinunyag nito na may pangalawang anak siya at ito ay walang iba kundi si Marimonte Shanelle.

Nang mga panahon na iyon si Marimonte Shanelle ay nasa tatlong taong gulang pa lamang.

Marami naman sa kaniyang mga viewers noon na talagang nabigla ngunit natuwa sila para sa kanilang idolo na si Kuya Wil.

Ayon pa sa aming soure kahit pa sobrang busy ng aktor/host na si Kuya Wil ay hindi nito hinahayaan na mawalan siya ng oras at mapabayaan ang dalaga.

Kaya naman si Kuya Wil ay talagang nagbibigay ng panahon at oras para sa kaniyang anak katunayan nga niyan ay may mga panahon na laging kasama ang kaniyang anak sa mga bakasyon nito.