Usap-usapan ngayon sa socmed ang vide0 kung saan lumalangoy ang mga bata kasama ang buwaya

Loading...

Halos lahat ng tao maging ang ilang mga hay0p ay takot din sa buwaya dahil likas itong agresibo at kayang kaya lapain ang kahit anong sariwang karne na kanilang matitipuhan o masusunggaban.

Ang matutulis at matatalim na ngipin nito ay kayang ngumuya ng kahit anong karne.

Karaniwang makikita ang mga buwaya sa maruming ilog na hindi mo aakalain na minamasidan ka na pala nito at naghihintay ng oras upang umatake.

Tunay ngang nakakatakot ang hayop na ito ngunit sa isang video na nag viral at patuloy na nag viviral, mapapanuod ang mga batang nagtatampisaw at naliligo sa ilog na kung saan tila kalaro pa ang buwaya.

Makikitang nag-e-enjoy ang mga bata sa pakikipaglaro sa naturang buwaya ngunit ang buwaya ay tila sanay na din sa mga bata at taong kaniyang nakakasalamuha sa ilog na iyon.

Lubos na mapanganib ang ginagawa ng mga bata kaya madami ang nag aalala sa kanilang kalagayan.

Mabuti na lamang ay nilinaw na ang buwaya na iyon ay wala nang buhay.

Iyon daw ay nahuli ng kanilang ama at kanilang pinaglalaruan na lamang sa tuwing sila ay naliligo sa ilog.

Sila na lamang mismo ang nagpapagalaw dito sa pamamagitan ng pagtutulak tulak.

Gayon pa man, delikado ang pamamaraan na ito at pinaalalahanan ng nagpost na huwag na huwag maliitin ang mga buwaya dahil likas silang mapanganib para sa lahat.