Narito ang dahilan kung bakit sinasabi na mas delikad0 ang Tahong kaysa sa Piranha

Loading...

Hindi kayo agad maniniwala pag sinabing mas delikado pala ang Tahong kaysa sa Piranha, Totoo nga ba ? Sa tingin niyo kaya bakit nga ba mas nakapipinsala ang Tahong kaysa Piranha?

Ang nagpapatunay dito ay ang Amazon, Ang ilog ng Amazon ay ang maituturing na pinakamagandang tahanan ng mga lamang tubig.

Ngunit ngayon ay unti-unti na itong nagiging delikado, hindi dahil sa mga tao o anu mang teknolohiya kundi dahil ito sa mga natatagpuan na malilit na mga lamang tubig na kung tawagin sa atin ay tahong.

Ayon sa mga siyentipiko napag-alaman nilang ang tahong ay maituturing na mas nakapipinsala sa ilog ng Amazon.

Dahil sa unang pagdating palang ng mga ito ay nag iba na agad ang kanilang pinagkukunan ng pagkain.

Dagdag pa ng mga siyentipiko na ito rin ang dahilan ng pagkam@tay ng ibang lamang tubig at nagiging dahilan din ang mga ito kung bakit nagkakaroon ng pagbara sa mga daluyan ng tubig dito.

At sa pagdating din ng mga tahong dito ay naging dahilan din kung bait nagkalat ang mga lumot sa ilog o dagad na nagiging dahilan ng pagkamatay ng iba`t ibang uri ng isda.

Kaya naman ang ilog ng Amazon ngayon ay nanganganib na tuluyang masira.

Dahil ang dulot ng tahong na ito ay nakakaapekto sa iba`t ibang lamang tubig at ang mas nakakapangamba ay patuloy parin ito sa pagdami.

Ayon sa Good Times, Demetrio Boltovskoy na isang galing sa Unibersidad ng Buenos Aires siya ay nagbigay ng babala at paalala sa mga tao at may mga bahay namalapit dito.

Maaari daw makarating ang mga maliliit na tahong sa mga dinadaluyan ng tubig patungo sa kanilang mga bahay.

Ayon naman sa isang siyentipiko at isang professor na galing sa Unibersidad ng Federal na si Maulo Rebelo, siya ay nagsabi tungkol sa kaniyang pag-aaral sa lamang tubig na ito na patuloy ang pagdami.

“May tatlong (3) paraan kung bakit sila dumadami. wala sa panahon. Una ay ang pagdami ng kanilang populasyon. Pangalawa, ay natutulog. Pangatlo ay kumakain. Pero mas malaki ang oras na kanilang inilaan sa pagdami.”

Napagalaman din na ito ay unang natagpuan at nakita sa China at hanggang sa dumami at dumikit sa barko ng Argentina noong 1990 at ngayon nga ay dumadami ito sa Argentina at ibat ibang mundo.

Dagdag pa ni Rebelo na sa kanyang pag-aaral ay hindi ang paglalagay ng poison ang magiging solusyon bagkus ang mangyayari lamang daw ay lalabas ito sa kanilang shell at isang linggo lamang ay mabubuhay ulit.

Ayon naman sa Nature World News, ay maaring maging maliit ang tiyansa ng pagdami nito kung patuloy ang pagiinspeksyon dito at pagkuha ng mga mangingisda.

Sa pamamaraan nito ay mababawasan o matitigil ito sa pagdami.

Sa ngayon naman ay patuloy parin ang pag-aaral ng mga esksperto tungkol sa pagresolba o solusyon para maisalba ang lamang tubig sa Amazon.