Negosyante, binigyan ng pabuya na bahay at trabaho ang matandang palaboy matapos isauli ang kanyang nawawalang pitaka

Loading...

Marahil sa karamihan ay iba ang imaheng nakikita nila sa mga plaboy sa kalsada, mga walang tirahan at mga walang makain.

May mga palaboy kasing nagagawang kumapit sa patalim dahil wala nang ibang paraan para sa kanila upang mabuhay.

Dahil dito, kinamumuhian at masyadong mababa ang tingin sa kanila ng iba.

Ngunit mayroong mga kagaya nila na nag papatunay na hindi lahat ng palaboy ay masama ang intension at marumi ang pagkatao.

Nasilbing isang mabuting halimbawa ang matandang palaboy na ito na kusang loob ibinalik ang pitakang kaniyang napulot.

Ibinalik niya ito ng walang hinihinging kapalit o kahit na ano pang pabuya.


Taong 2016 nang ang negosyanteng si Nitty Pongkriangyos ng bansang Thailand ay nawalan ng pitakang Hermes na nag lalaman lang nman ng THB 20,000 na pumapatak na P 30,000.

Hindi biro ang halaga nito kaya naman hindi na siya umasa pang may magbabalik pa nito.

Kinalaunan ay may bigla na lamang tumawag sa kaniya mula sa pulisya at sinabing mayroong nakapulot ng kaniyang nawawalang pitaka.

Agad namang nagpunta si Nitty sa nasabing stasyon. Laking gulat niya nang isang mtandang palaboy ang nag sauli ng pitaka niyang ito.

Siya ay si Tatay Warlop. Labis ang pag hanga ni Nitty sa matanda pagkat imbis na itago na lamang ang pitaka at gastusin sa pang sarili ay mas minabuting isauli ito sa totoong nag mamay- ari.

Dahil sa labis na paghanga ng mayamang negosyanteng ito, hindi pera at pagkain ang kaniyang ibinalik.

Kung hindi ay abg natutuluyang apartment. Hindi lang din basta pera kung hindi ay ipinasok pa ni Nitty si tatay sa kaniyang kompansya upang mabigyan ng permanenteng trabaho upang tuloy tuloy ang pagkita niya ng pera para pang gastos.

Sa loob ng isang taong pagala gala ni Tatay Warlop, tanging kabutihang asal at pagiging matapat lang pala ang makapag papabago ng takbo ng kaniyang buhay sa malinis at maayos na paraan.

Sinamahan naman siya ng aswa ni Nitty upang makabili ng mga gamit sa apartment na kaniyang tutuluyan upang makapag simula ng panibagong buhay.

Source: Good TimesĀ