Natatandaan nyo pa ba si Joshua Dionisio na dating partner ni Barbie Forteza? Ito na ang kanyang buhay ngayon na tinatahak

Loading...

Isa si Joshua Dionisio sa naging katambalan ni Barbie Forteza. Sila ay kinakiligan at lalo pang hinangaan nang magkasama sa teleseryeng Twin Hearts.

Matagal tagal na din nang hindi lumabas si Joshua sa telebisyon. Gayun pa man, hindi pa din nagsasawa ang kaniyang mga fans sa pagsubaybay nito sa kaniyang social media accounts.

Nakabuti din ang pag gagawa niya ng Youtube Channel na nirerequest ng kaniyang fans upang mas maging updated pa sa mga kaganapan sa buhay niya.

Isa sa kaniyang unang vlogs ay ang “Joshua Dionisio Vlog: Q&A….SMR” kung saan ay sasagot ng mga tanong na babasahin ng kaniyang girlfriend habang kumakain ng pancit canton.

Unang itananong kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon sa buhay. Ayon sa kaniya, tanging pag- aaral lamang daw ang pinag tutuuanan niya ng pansin.

Every other day ang kaniyang schedule sa pag- aaral bilang Industrial Engineering at dahil madami daw siyang oras kaysa dati, nagdesisyon din siyang mag vlog.

Sinabi niya din na ang MAPUA ang eskwelahan na tanging gusto niyang pasukan sa kolehiyo. Doon lamang daw siya nag entrance exam at wala nang iba.

Madami ang natuwa at nasiyahan sa kaniyang vlog ganoon din sa kaniyang mga isinagot. Madaming fans ang nag rerequest n asana daw ay makapag collab silang muli ng dating katambalan na si Barbie Forteza.

Nag- iwan din siya ng isang linya na kung saan ay nagbigay inspirasyon sa mga nanuod.

“Magtrabaho kang mabuti, para makapag- enjoy ka” sabi niya.