Misis nagdududa sa asawang sundalo na may ibang pamilya, naiyak na lamang ito nang matuklasan ang katotohanan

Loading...

“Akala ko pa naman ay makakauwi ka na ngayong buwan. Mahal. Bakit na-extend ka uli diyan sa Mindanao?” wika ni Laila sa asawa na kausap sa telepono habang nagtatampo.

“O, siya wala naman akong magagawa kahit miss na miss na kita, Sana totoo na` yang sinasabi mong makakauwi ka sa susunod na buwan. Nasasabik na akong makasama k,” dagdag pa ni Laila.

Ang asawa ni Laila na si Greg ay isang sundalo, Halos isang taon na rin nang huli silang nagkasama. Si Greg ay kailangan lumayo para magampanan nito ang kanyang tungkulin.

“Mare, Kamusta? Aba. ano `yang pinaghahandaan mong iluto? Tanong ng kaibigang si Ruth kay Laila.

“Hindi ko na nga iluluto. Akala ko kasi ay makakauwi na mamayang gabi ang asawa ko kaso hanggang ngayon ay nasa Mindanao pa sila.

Tumawag siya kanina at kailangan pa raw niyang magtagal pa ng isang buwan doon. Anibersaryo pa naman namin ngayon,” Nalulungkot na sagot ni Laila.

“Mahirap talaga ang set-up ninyong mag-asawa ano? Napakahirap makapag-asawa ng sundalo. hindi mo alam kung nasaan siya, kung nakakatulog o nakakain ba siya ng maayos. Saka hindi mo alam kung baka may iba nang pamilyang inuuwian!” Biro ni Ruth sa kaibigan.

Nalungkot naman si Laila sa narinig na biro ng kaibigang si Ruth.

“Ito naman, hindi na mabiro. Pero totoong mahirap ang makapangasawa ng sundalo kasi usa ang bayan kaysa sa sarili.

Mahirap kalaban ang sariling bayan. Huwag ka nang mag-isip ng ano pa man, mare. Tara at ituloy mo na ang niluluto mo at anibersaryo n`yo pa rin naman kahit malayo ang mister mo. Tayo nalang kamain niyan!” sagot ni Ruth

“May tiwala ako sa asawa ko, Ruth. Pero minsan hindi ko rin maiwasang mag-isip kung ako pa ba ang mahal niya.

Minsan nga kapag hindi ko na kaya ang lungkot at pangungulila sa kaniya. gusto ko na lang siyang paipiliin kung ako o trabaho niya”, tugon ni Laila.

“Alam kong pangarap niyang maging sundalo simula noong bata pa lamang siya at galing siya sa pamilya ng mga sundalo. Pero paano naman kami? Paano lalo kung mayroon na kaming anak, hindi ba?” Dagdag pa ni Laila.

“Huwag ka nang mag-isip ng kahit ano pa dyan. Mabilis na ang isang buwan. Kita mo bukas ay narito na rin ang asawa mo,” pagsuyo ni Ruth kay Laila.

Marahil nga ay namimiss lamang ni Laila ang kanyang asawa kaya naman ganoon siya mag-alala at isip.

Kaya naman napagdesisyunan ni Laila na patigilin na sa pagsusundalo ang kanyang asawa at sila ay mag negosyo na lamang.

Makalipas nga ang halos isang buwan ay nakauwi na si Greg. Sobrang tuwang-tuwa naman si Laila at ito ay kanyang niyakap ng mahigpit.

“Sa wakas mahal, narito kana. Sana ay hindi kana umalis,” Wika ni Laila

“Kakauwi ko lang, mahal, pag-alis agad ang naririnig ko say iyo. Huwag mo na muna isipin yan” sagot ni Greg.

Sagot naman ni Laila ang kanyang plano sa asawa na sila ay magnegosyo na lamang.

“Sa totoo lang, nanghingi ako ng leave sa trabaho ko. Mga tatlong buwan, mahal. Pag-iisipan ko ang bagay na ` yan. Dahil gusto rin kitang makasama” sambit ni Laila.

Naging maayos naman ang pagsasama ni Greg at Laila simula ng ito ay umuwe ngunit isang pinag aalala ni Laila na minsan ay napapansin niya si Greg na laging may malalim na iniisip at bumabangabag sa kanyang isipan.

Kapag itoy kanya naman tatanungin ay hindi ito sumasagot at tumatanggi nalamang ito.

Napapadalas naman ang pakikipag-usap nito sa telepono at pag-alis nito na hindi kasama ang asawang si Laila.

“Naghihinala na ako sa asawa ko, Ruth. Kinukutuban ako na may ginagawa siya lingid sa kaalaman ko,” sambit ni Laila sa kaibigan.

“Anong ibig mong sabihin, na may babae ang asawa mo? Tanong naman ni Ruth.

“Parang, Ewan ko, naguguluhan talaga ako, Ruth. Kasi malambing siya sa akin sa tuwing magkasama kami pero madalas din ay parang lumilipad ang isip niya. parang wala siya dito, ganoon” sagot ni Laila.

“Kung sundan kaya natin si Greg, Ruth. Sundan natin siya para alam nating kung saan siya nagpupunta sa tuwing umaalis siya rito.” sambit pa ng ginang,

Hindi naman nagdalawang isip si Ruth sa alok ng kaibigan at ito ay kanyang sinamahan sa plano ng ginang.

Naghintay sila ng pagkakataon hanggang sa may natanggap na tawag muli si Greg at ito ay umalis. Dito na sinundan ng magkaibigan si Greg.

Maya maya naman ay huminto ang sasakakyan ni Greg sa isang tapat ng simpleng bahay. Doon ay pinagbuksan siya ng pinto ng isang bata na sa kanya ay nagmano pa at agad namang hinagkan ang isang babae ni Greg.

Hindi naman napigilan ni Laila ang luha at galit.

“Teka lang, Laila. Huwag ka munang sumugod doon. Maghintay pa tayo ng sandali,” sambit ni Ruth habang pinipigilan ang kanyang kaibigan.

“Hahayaan mo na lang bang lokohin ako ng asawa ko, Ruth? Kaya pala parang kahit nasa akin siya at parang iba naman ang kanyang iniiisip!” Umiiyak na sagot ni Laila.

Hindi napigilan si Laila at sinugod ang asawa at ang inaakala nitong kalaguyo nito.

“Walanghiya ka, Greg! Ito ba ang babae mo?” sigaw ng ginang

“A-anong ginagawa mo rito?” nangangatal na sagot ni Greg.

“Bakit? Akala mo ba hanggang wakas ay kaya mo akong gawing tanga? Ang kakapal ng mukha ninyo!” Halos mawala ang boses ni Laila sa galit at pagsigaw.

“Mali ang inaakala mo!” paliwanag ni Greg. “Wala akong babae. Hindi kita niloloko kaya kumalma ka lang!” diin ni Greg habang inaawat ang misis.

“Patawad kung hindi ko agad sinabi sa`yo. Laila. Pero hindi ko babae si Gina. Asawa siya ng kasamahan kong sundalo,” Paliwanag ni Greg.

“Noong nasa Mindanao kami, bigla na lang kami nilusob ng mga rebelde wala kaming kaalam-alam sapagkat ang alam namin ay hawak na namin ang lugar. Ngunit nagkakamali kami.

Ang asawa ni Gina, iniligtas niya ako mula sa pagsabog. At dahil doon ay nakaratay siya ngayon na parang lantang gulay.

Nakukunsensya ako, Laila. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ako ang nasa katayuan niya”, Naluluhang sambit ni Greg

“Kaya palagi akong nakikibalita. Lagi akong nagtutungo dito para mabigyan ko ng suporta ang mag-iina niya. Nang sa maliit na paraan ay makabawi ako sa ginawa ng kasamahan ko para sa akin,” dagdag ni Greg.

“Parang bangungot ang lahat sa akin, Laila. Patawad kung hindi ko nasabi sa iyo ang lahat. Hindi ko talaga alam kasi kung paano sasabihin lagi akong inuunahan ng takot at walang lakas ng loob” pagtatapos ng ginoo.

Natauhan si Laila sa kanyang mga narinig. Agad siyang humingi ng tawad kay Gina at sobrang nagpapasalamat siya sa pagligtas sa kanyang asawa at humingi rin siya ng tawad sa kanyang asawa na si Greg kung ito ay kanyang pinagdudahan.

Napaisip din si Laila na hindi niya rin alam ang gagawin kung siya ang nasa katayuan ng asawa.

Para sila ay makabawi sa pamiyla ni Gina. Silang dalawa ng mag-asawa ang nagbibigay ng suporta para sa pamilya ng sundalong nagligtas sa kanyang asawa. Nangako ito na hanggang gumaling ang sundalo ay susuportahan nila ito.

Hindi na rin nag tulo sa pagsusundalo si Greg at sila ay nagnegosyo na lang mag-asawa.

Sa nangyaring iyon, Lalong pinagtibay ang pagsasama ng mag-asawang si Greg at Laila. Dahil sa pagtigil ni Greg sa pagsusundalo ay tuluyan na silang gumawa at bumuo ng sariling pamilya.