Mayaman na ama, hinayaang mamuhay ang kaniyang anak sa mahirap na pamilya upang turuan ng magandang leksyon

Loading...

Tungkulin ng isang magulang na turuan ng mabuting asal ang kanilang mga anak.

Bukod sa pera at kayamanan, ang pagiging isang mabuti at marangal na tao ay isa sa pinaka mahalagang ipinapamana ng ating mga magulang.

Kung matututo kang makisama sa ibang tao o sa kapwa mo, mas magiging madali ang pag galaw mo sa mundo.

Kagaya na lamang ng isang amang na nag nanais turuan ng leksyon ang kaniyang anak na si Dante.

Siya ay isang binata na kung saan lumaki sa isang marangyang buhay. Sa kabila ng ginhawang nararanasan ng bata, naroon ang nakaraan ng kaniyang ama na naghirap muna bago makamit ang tagumpay.

Dug0 at pawis, kabilang na ang pagod at pag sasakripisyo sa pagtatrabaho. Lahat ng iyon ay ginawa ng kaniyang ama para umangat sa buhay.

Dahil sa ginawa ng kaniyang ama, naging madali ang daloy ng buhay nila Dante. Mayroong masasarap na pagkain, magagarang sasakyan at malaking tahanan.

Ngunit hindi hinayaan ng ama ni Dante na mabuhay lamang siya sa sarap kaya naman nag desisyon itong iparanas kay Dante ang tunay na hirap ng buhay sa loob ng isang buong linggo.

Mayroon nang nakalaan na pamilyang pakikisamahan si Dante. Sinabi ng ama nito sa kanila na siya ay dapat ituring na pamilya at kauri nila.

Hindi dapat makatanggap ng kahit anong pabor si Dante pagkat kinakailangan niyang makihalubilo at makaranas ng kung anong nararanasan ng pamilyang iyon.

Gagawin niya kung ano man ang karaniwang ginagawa at pamumuhay ng nasabing pamilya.

Isang linggo ang nakalipas at nakauwi nang muli si Dante sa kaniyang tunay na buhay.

Doon ay tinanong siya ng kaniyang ama kung ano ang kaniyang natutunan sa buong isang linggo. Namangha ang kaniyang ama sa kaniyang mga sinagot.

Ayon sa kaniya, mayroon daw talagang malaking pagkakaiba ang buhay nila sa buhay ng tinuluyang pamilya.

Mayroon silang isang alagang aso samantala, mayroon namang apat na aso ang mahirap na pamilya.

Mayroon silang swimming pool, samantala ang mahirap ay may ilog na patuloy na umaagos ang malinis na tubig.

Mayroong pundidong ilaw ngunit naroon ang mga bituin para mag silbing liwanag sa gabi. Wala man daw pati TV pero naroon ang napakagandang kalikasan na kay sarap pag masdan.

Hindi na din alintana sa kanilang mamili ng pagkain pagkat mayroon silang aanihin sa pananim.

Walang bakod bilang proteksyon, ngunit naroon ang tiwalang kanilang binuo kasama ng kanilang mga kapitbahay na mayroong pag mamalasakit at hindi dapat mabahala.

At sa kaniyang huling pahayag, ”Maraming salamat Papa, dahil ipinamalas mo sa akin kung gaano tayo kahirap.” Lubos ding nasiyahan ang ama sa kaniyang mga narinig. Tunay nga na ang buhay ang mag bibigay sayo ng mabungang kaalaman.