Lalaking may pilat sa mukha na kinatatakutan, ang dahilan kung saan galing ang pilat ay siyang nagpaiyak sa marami

Loading...

May isang lalaking kinatatakutan sa kanilang lugar dahil sa itsura nito dahil mayroon siyang malaking pilat o parang taga mukha.

Ang pangalan niya ay Mario dahil pinangingilagan siya kaniyang ka baryo kapag nakikita ito ang ginagawa na lamang niya ay tinatakpan ang kaliwang pisngi para maitago ang pilat.

Marami ang nagsasabi na dahil daw ito sa taga na ginawa sa kaniya ng sariling ama na namayapa na.

Ang kwento kaya daw ito tinaga ng ama dahil nakita raw si Mario ng kaniyang ama na may sungay at inakalang dem0nyo ito.

Marami pa ang nagsasabi na malas daw si Mario ang lahat daw ng malalapitan nito ay mamatay kaya naman ang lahat ay lumalayo sa kanya.

“Rosie, habang maaga ay sinasabi ko na sayo dahil bago ka pa lamang dito sa atin ikaw ay pinapaalalahanan ko na wag na wag kang lalapit diyan sa lalaking yan dahil ikaw ay mamalasin” wika ng isang ale na nagngangalang Fely sa pamangkin niyang si Rosie.

“Grabe naman po kayo, Sobra naman po ang sinasab niyo tungkol sa kaniya” naka busangot na wika ni Rosie sa kanyang tiyahin.

“Nako wag nang makulit! Basta lumayo ka diyan maliwanag ba?!”

“Opo,” sapilitang sagot ni Rosie sa kanyang tiyahin.

Sa isip-isip ni Rosie siya ay nahihiwagahan kay Mario, Kung ano nga ba talaga ang tunay na rason kung bakit may hiwa sa kaniyang mukha at sobrang haba nito.

Kahit daw hindi niya naranasan ang ganon ay ramdam niya na sobrang sakit non.

Kinabukasan sa isang tindahan na pagmamay-ari ni Aling Puring ay nakasabay ni Rosie na bumili si mario, Nagkatinginan sila at ito ay nginitian ni Rosie ngunit suplado pala itong si Mario.

“Ay suplado, kala mo naman walang ano sa mukha”.

Nahihiyang lumingon si Mario at halatang hindi siya komportable.

“K-kasi itong tindahan lang na ito ang tumatanggap sakin at hindi ako tinataboy. Kaya dito lang ako nakakabili ng pagkain”, nahihiyang paliwanag ni Mario.

Biglang naawa si Rosie para sa nararamadaman ni Mario, napag-isip niya na napakalupit naman ng kapwa nila tao ang ginagawa nila kay Mario ay parang mas masahol pa sa hayop ang turing nila.

Maya-maya lamang ay umalis na si Mario sa harapan ni Rosie, Nakita sa mukha ni Mario ang lungkot sa kanyang buhay dahil walang may gustong makipag-kaibigan o makipag-usap man lang dahil nga sa pilat nito sa mukha kaya maraming mga taong siya ay hinuhusgahan na malas at mapanganib daw.

“Mario, Eto santol o gusto mo ba?” sambit ni Rosie kay Mario na bumibili sa tindahan ni Aling Puring.

Kaya naman nang araw na iyon na malaman ni Rosie na tanging sa tindahan lang ni Aling Puring bumibili si Mario ay lagi na nitong inaabangan at gusto niyang makipag-kaibigan dito at lubos na makilala para patunayan sa iba na katulad ng iba ay normal na tao din si Mario at mali ang sinasabi ng iba na ito ay malas.

“Sandali lang, Hindi kaba natatakot sa`kin?” Tanong ni Mario na nakukulitan kay Rosie

“Ha? At bakit naman ako matatakot sayo? Wala kanaman ginagawa sakin”

“Lahat ng tao dito sa baryo nato ay sinasabi na demonyo ako, salot at malas pa, kaya lumayo ka sakin at baka madamay ka pa sa inaabot kong kamalasan”. malungkot na sagot ni Mario.

“Anung pinagsasabi mong malas ka? Edi sana kung malas ka e nalugi na tong tindahan ni Aling Puring diba sabi dito ka lang lage na bili?

Wag mo pakinggan sinasabi ng iba hindi ka dem0nyo dahil wala kanaman sungay at buntot, Siguro nga ay may pilat ang iyong mukha pero hindi yon ang basihan kung masama ang isang tao at ang tingin ko sayo ay hindi ka masamang tao”. sambit ni Rosie kay Mario.

Dagdag pa ni Rosie na “Kaya wag kang rin maniwala sa mga pinagsasabi nilang salot ka , lahat nalang sinasabihan nilang ganon tulad ng b@ding sinasabi salot at malas daw pero salot ba? diba hindi naman? ” sabay inalok ni Rosie ng Santol “Ito oh santol! Kumuha ka dito”.

Doon nagsimula ang pagkakaibigan ni Rosie at Mario, Kahit pa marami ang nagagalit at siya ay pinagsasabihan lalo na ng kaniyang tiyahin na si Fely ay wala itong nagawa dahil para sakanya ay mabuting tao si Mario.

“Mario, matanong nga kita talaga yung totoo ha ano ba talagang nangyari diyan sa mukha mo? tanong ni Rosie ( Maiintindihan naman ni Rosi kung hindi ito masasagot ni Mario).

Hinawakan ni Mario ang kaniyang Pilat sinabing “Ito ba? isang Gabi kasi si Papa sobrang galit na galit kay mama dahil nahuli si Mama na may ibang lalaki.

Sobrang ang kanilang naging away ng gabing yon, sa sobrang galit ni Papa kumuha siya ng itak para taga-in si mama. Bata pa ako non pumasok agad sa isipan ko na harangan yung it@taga kay Mama kaya yon ako yung na-taga sa mukha para hindi tamaan si Mama.

Kaya iyon ang nangyari pinagtakpan na lang na kasalanan nila, Ang sinabi nalang ay nakita ako ni Papa na may sungay at buntot na parang dem0nyo kaya ako pinagt@taga.

Sobra naman ang pagsisisi ng aking Mama, isang araw nakita ko siya nakab!gti sa kisame namin.

Tapos naman si Papa tumalon sa isang mataas na building para magpak@matay.

Kaya iyon simula noon kumalat yung balita na salot at malas ako dahil ako daw ang may dahilan kaya nawala ang aking mga magulang”. Malungkot na kwento nito kay Rosie.

Mid adult man with flowers and candles visiting graves at the cemetery.

“Yon naman pala Mario kaya dapat kapag may magsasabi sayo ng malas ka ipaliwanag mo sa kanila ang tunay na nangyari” sambit ni Rosie

“Alam mo wala sakin maniniwala Rosie, dahil iyon na ang kinalakihan nila at tumatak sa isipan ng lahat dito sa atin” malungkot na sagot nito

“Huwag ka mag-alala naniniwala ako sayo Mario, kaya simula ngayon aalisin at tatanggalin natin ang maling paniniwala nila sayo.

Marami akong kilala dito sa atin na mga tsismosa kaya madali lang natin maikakalat ang totoo”. sambit ni Rosie na may ngiti sa mukha nito.

Kaya naman agad-agad ng araw na iyon ay ipinakalat ni Rosie ang tunay nangyari kay Mario. Mayroon agad na naniniwala sa tunay na kwento nila at ang iba naman ay hindi parin.

Pero ang mahalaga doon ay may mga kumakausap na sa kaniya at nakikipag kaibigan, At ang iba rin ay hindi na natatakot lumapit kay Mario at lalo na noong pina-laser ang kaniyang mukha upang maipagamot.

“Dyusko naman bakit ngayon mo lang ginawa yan at ngayon mo lang pinatanggal ang iyong pilat? Sana ay noon pa” wika ni Rosie

“Ngayon ko lang napag-isip isip na kailangan ko na kalimutan ang nakaraan para magkaroon ng bagong alala kasama ang mga bagong kaibigan at siyempre lalong-lalo kana Rosie ngayon kasama na kita”.

Mangiyak-ngiyak naman si Rosie at agad niyang niyakap s Mario

“Tama yan Mario, iwanan mo na ang nakaraan dahil puro sakit ang dala niyan sayo”.

“Maraming salamat sayo Rosie, Dahil kung hindi dahil sayo ay hindi magbabago ang paniniwala ng iba tungkol sa akin” masayang sagot ni Mario kay Rosie habang nakayap ito.

Sa pagkawala ng pilat ni Mario sa kaniyang mukha ay kasabay nitong nawala ang masama at maling paniniwala sa kaniya ng iba.

Ito ang patunay na may mga taong darating sa ating buhay maaring ngayon, o bukas na mag tatama ng mali sa ating buhay. At para naman kay Mario ang taong sinasabi na magtatama ng mali para sakanya ay si Rosie.

Source: Inday Trending