Lalaki na nanalo sa l0tto, pinalayas ang ina at kapatid ngunit nang malugm0k at walang matakbuhan, ito ang nangyari

Loading...

“Anak, gising ja na nakahanda na yung hapunan natin. Kanin aka pa diyan sa higaan. Sabay sabay na tayo kumain pauwi na din ang ate mo.”

Tanging ingit ln gang sinagot ng binata sa kaniyang ina hanggang sa pareho silang nagulat nang bumalibag ang pinto ng kaniyang kwarto.

“Hoy, Jonvic! Araw- araw na lang ganiyan ka. Hirap na hirap na si nanay kakagising sa iyo ha! Wala ka na ngang hanap buhay, batugan ka pa! hindi ka pinanganak para maging senyorito ha!” sigaw ng ate niyang si Janice sabay bato ng hawak nitong bag.

“Janice naman wag mo namang ganiyanin ang kapatid mo, hayaan mo nga siya” paki-usap ng ina

“Hayaan? Nay! Kaya nawiwili yang bunso niyo eh kasi kinukunsinti niyo pa. kita niyo, mula pagkapasok ko sa trabaho kaninang umaga hanggang ngayong gabi pag uwi ko, ikaw lang ang kumilos dito sa bahay habang iyang batugan niyong anak, nagpapakasasa sa higaan niya!” hindi mapigilang galit ni Janice

“Eton a! eto na! Itikom mo na yang napakayabang mong bunganga. Kala mo kung sino” sabay dabog at mura nito.

Nagpunta sa banyo saka naghilamos matapos ay nanghingi ng bente pesos at lumabas ng bahay.

Ang binatang si Jonvic ay walang pinagkakaabalahanan kundi ang sugal at pagtaya sa l0tto.

Nakasanayan niya kasi ang masarap at komportableng buhay noong nabubuhay pa ang kaniyang ama tanging sa mga bisyo lamang siya umaasa ng kaginhawahan.

“Hoy, Jonvic! Good morning pare este good evening na pala!” salubong ng kapwa tambay sa kanto sabay abot ng alak.”Upo ka na doon sa pwesto mo sa sugalan late ka na baka ma-late din ang swerte sayo” sulsol ng tropa.

“Malas nga pare, wala akong capital ngayon. L0tto lang muna”

“Ubod ng kuripot talaga ng ate mong bungangera. Sayang ganda pa sana”

Matapos tunggain ni Jonvic ay saka nagpunta sa l0ttohan upang tumaya. Hinalikan muna at dinasalan ang tiket bilang swerte niya.

Kinabukasan ay walang pasok ang ate niyang si Janice kaya paniguradong matinding bangayan nanaman ang magaganap.

“Panay ka sugal, panay ka l0tto! Wala ka namang napapala diyan hindi ka naman nananalo mabuti pa sana kung sarili mong pera yang ginagasta mo!” parinig ni Janice

“Anak, making ka naman sana samin ng ate mo. Hahanapan ka naman daw niya ng trabaho eh sabihin mo lang” panghihikayat ng ina.

“ewan ko sa inyo dalawa! Pakelam kayo ng pakelam. Isa ka pa nay ha! Kapag ako tumama sa l0tto, isasampal ko sa mga pagmumukha niyo yung pera tapos lumayas na kayo!” sambit ni Jonvic sabay duro sa ate at ina.

Binuksan ni Jonvic ang telebisyon na tila maduling duling na siya sa mga numerong kaniyang nakita.

Tila dininig ng may kapal ang kaniyang nais. Tumama ang mga numerong kay tagal na niyang itinataya. Agad na kumalat sa buong barangay ang pagkapanalo ni Jonvic.

Halagang 10 milyong piso ang napalalunan nito. Natahimik ang kaniyang ate Janice at ang kaniyang Nanay.

Habang si Jonvic ay mayabang na nagpapaagaw ng libo- libong pera sa labas ng kanilang bahay bago lumipat sa isang mamahaling apartment.

Paulit ulit sinabihan ni Janice at ang kaniyang ina na sana ay magtabi ng pera para sa maliit na negosyo upang makapagpundar. Ngunit tila mas tumaas pa ang tingin ni Jonvic sa sarili.

“Oh ngayon gaganiyan ganiyan kayo? Kayo lang eh wala kayong bilib” sabay abot ng cheke na nagkakahalagang miyones sa ate at ina sabay layas muli sa bahay.

Hindi nagtagal ay tuluyan nang naimpluwensyahan ng kaibigan si Jonvic. Hindi lamang pagsusugal at pag inom ng al@k kundi pag gamit ng ipinag babawal na gam0t.

Hanggang sa kaniyang pag uwi “Kayong dalawa! Magsilayas na kayo sa pamamahay ko! Oh ayan!” sabay sampal sa mukha ng ina at kapatid ng libu-libong pera “Bayad na ako sa mga sinasabi niyong sakripisyo at pag hihirap niyo sakin. Wala na akong utang na loob sa inyo!” pagtataboy ni Jonvic

Wala nang ibang nagawa si Janice at ang kaniyang ina kundi ang sumunod na lamang sa kagustuhan ni Jonvic dahil alam nilang kailanman ay hindi na ito makikinig.

Bumalik na lamang sila sa iskwater at nagtayo ng maliit na negosyo gamit ang mga perang noon pa maý ibinibigay ni Jonvic.

Nabalitaan na lamang nila na na-r@id ang bahay ni Jonvic at nahulihan na gumagamit at nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gam0t ang binata.

Hindi sinukuan ni Janice at Nanay Nelia si Jonvic. Araw araw ay dumadalaw sila dito upang dalhan ng pagkain at damit.

Wala nang mukhang maipakita si Jonvic ngunit naglakas ng loob siyang humingi ng tawad sa lahat ng kaniyang nagawa at nasabi sa kaniyang ate at ina.

“Patawarin niyo ako, nay at ate. Nasilaw ako sa pera. Kung sana nakinig lang ako sa inyo, edi sana hindi nangyare lahat ng ito” humahagulgol na sambit ni Jonvic.

“Jonvic, making ka. Kailanmaý hindi ka naman iaaabandona. Nandito pa din kami para sa iyo pero sana matutunan moa ng lahat ng aral sa mga nangyare sa atin mua noon hanggang ngayon” saad ni Janice

Nagyakap ang pamilya at muling nadama ang pagmamahal at pagtanggap sa isa’t isa. Laking pasasalamat nila sa Panginoon dahil sa wakas ay magiging maayos na ang kanilang samahan.

Source: Inday Trending