Dayuhan, iniwan ng kinakasama na Pinay matapos bilihan ng dalawang bahay

Loading...

Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng marangyang pamumuhay kaya nga ang iba sa atin ay nag-iibang bansa para magkaron ng magandang buhay.

Ang iba naman ay nabibigyan ng pagkakataon na makapangasawa ng isang dayuhan mula sa ibang bansa na nagiging dahilan ng kanilang pag-ahon sa hirap at magkaroon ng magandang kinabukasan pati ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

Samantala, mayroong isang Chinese National na humingi ng tulong sa TV Host na si Raffy Tulfo sa kanyang programang “Raffy Tulfo in Action” siya si Daniel Sun isang Chinese lumapit siya sa nasabing programa.

Dahil sa ginawa ng kanyang asawa na si Rachel Atian na isang Pilipina na pag-iwan sa kanya ng biglaan. Ayon kay Daniel ay ikinasal sila sa China ni Rachel at biniyayaan sila ng dalawang anak.

Pero nang sila ay manirahan dito sa Pilipinas ay hindi naging maganda ang kanilang pagsasama. Si Daniel daw ay grabe ang pinagdaanan o dinanas na pang mamaliit at pang iinsulto sa kaniyang misis at pamilya nito dahil sa pagiging dayuhan niya.

Dagdag pa nito na kaya lalo sumama ang kaniyang loob ay matapos siyang palayasin sa dalawang bahay na siya ang mismo ang nagpundar at maging ang kaniyang mga anak ay ayaw na ipakita sa kaniya.

Ngunit ayon kay Rachel kaya nagalit ang kaniyang pamilya ay dahil sinaktan siya umano ng kaniyang asawa na si Daniel.

Sinagot naman ito ni Daniel na kaya niya lang daw nagawa iyon ay napuno na siya at labis na ang inaanbot niyang pasakit sa asawa niyang si Rachel at sa pamilya nito.

Sambit din ni Daniel na sobrang hirap pala daw maging isang dayuhan dito sa ating bansa dahil wala daw may gustong tumulong sa kaniya.

Ang tanging hiling niya lamang ay makuha kahit isang anak lamang nito at hinding-hindi na babawiin ang mga bahay na kaniyang naipundar para sa kanilang pamilya.

Talaga naman na nakakalungkot ang mga ganitong pangyayari na mauuwi lang sa hiwalayan ang minsa`y naging masayang pamilya.

Hindi madali ang pinagdaan ni Daniel ngunit lalong hindi magiging madali sa kaniyang mga anak kung tuluyan na silang maghihiwalay at masisira ang kanilang pamilya.