Babae na naghihinala sa nobyo na may ibang babae, nagulat sa natuklasan matapos makita ang itinatago nito

Loading...

Sa hirap ng buhay ngayon, maski pag aasawa ay napaka hirap na. minsan pa nga ay hindi pag mamahal ang pinapairal kung hindi ang pagiging praktikal.

Hindi nga naman nakakain ang tinatawag na pag mamahal. Habang ang iba naman ay kuntento na sa kung anong mayroon sila basta’t sabay silang haharap sa hirap at ginhawa.

Kung sa pagiging mag nobyo at mag nobya pa nga lang ay hirap na paano pa kaya kung mag desisyon na kayong mag sama sa iisang bubong ngunit walang gaanong ipon?

Kagaya na lamang ng mag karelasyon na sina Cathy at Bernard. Matapos ang pag aaral ng kolehiyo ay nag desisyon silang bumukod na sa kanilang mga pamilya.

Pinahintulutan naman nila ito pagkat tatlong taon naman na silang magkarelasyon. Gamit ang mga lumang gamit at kaunting ipon ay nakapag simula sila.

Photo illustrative only

Ngunit sa umpisang iyon ay si Cathy pa lamang ang may trabaho kaya naman siya ang halos sumasagot sa lahat ng gastusin maging sa mga pagkain.

Hinikayat ni Cathy si Bernard na maghanap na ng isang marangal at permanenteng trabaho. Taon ang lumipas at sa wakas ay nakahanap na siya ng trabaho.

Inakala ni Cathy na may makakatuwang na siya sa mga gastusin nila sa bahay ngunit ganoon pa din ang kanilang naging sitwasyon

Naging mahigpit at kuripot si Bernard sa pagbibigay ng kaniyang sweldo kaya naman kinutuban si Cathy na baka mayroong ibang babae ang kaniyang nobyo.

Photo illustrative only

Laking gulat ni Cathy nang makita niya isang araw na ang kaniyang nobyong si Bernard ay naka ipon na pala ng higit P 150,000 mula sa sarili nitong sahod.

Ayon sa kaniyang nobyo, ang perang iyon ay hindi para sa sarili kung hindi ay para sa kanilang kinabukasan.

Kaya naman, simula noon ay nag hati na sila sa gastusin sa bahay at namuhay na parang isang ganap nang mag asawa.

Bagamat hindi nasusukat ng pera ang tunay nap ag mamahalan, ngunit hindi natin maitatanggi na bilang isang tao, mayroon tayong mga material na pangangailangan na kinakailangang bilhin ng pera at mga gastusin upang mabuhay sa araw- araw.