Babae na gustong tapusin ang sarili, hindi inaasahan na masasaksihan ang isang milagro na makakapagpabago ng kanyang pananaw

Loading...

Alas tres noon ng madaling araw nang nabuo ang kaniyang loob na kitilin ang sarili sa pamamagitan ng pag inom ng sandamukal na sleeping p!lls at h!niwa ang sariling puls0.

Madaming dug0 ang nawala sa kaniya dahil medyo huli na bago siya makita. Isang milagro ang nangyari dahil sa kabila ng lahat ng iyon ay nalagpasan niya ang lahat at muling nabuhay. Ngunit imbis na magpasalamat ay nagreklamo pa siya.

Hindi niya malaman kung bakit nabuhay pa siya matapos ng lahat ng kaniyang ginawa.

Desidido na talaga siyang sumakabilang buhay ngunit imbis na ito ang nangyari, naroon siya at humihinga na kinakailangan lang manatili sa 0spital upang magpagaling.

“Nakakainip naman dito. Bakit naman kasi binuhay pa ako e! sana namamahinga na ako ng payapa ngayon” inis na sabi ni Aya.

Una pa lamang niya itong makita ay magaan na ang loob niya na tila nawala ang bigat na nadarama. Nilapitan niya ito at sinabing “Hi, pwede maki- upo?”

Nilingon siya ng babae at ngumiti. “Oo naman. Halika maupo ka dito” sambit ng babae habang umuusog

“Ang ganda pala ng tanawin dito no?” mangha ni Aya.

“Oo. Dito mo matatanaw ang mga namumulaklak na halaman, pasyenteng mga nakangiti at naglilibang, at ang mga taong sa wakas ay makakauwi na dahil malakas na sila” saad ng dalaga.

“Lagi ka ba dito? Ngayon lang ako nakalabas ng kwarto ko e. siya nga pala, Aya… ang pangalan ko ay Aya”

“Ako si Abigail, madalas ako dito. Habang inaantay ako na gumaling.” Nakipagkamay habang nakangiti.

 

Tinititigan ni Aya ang mukha ni Abigail. Hindi maikakaila ang taglay na ganda at maamong mukha nito. Maging ang mga mata niya ay mapupungay. Ngunit pansin pa din sa kaniya na may karamdaman siya.

“Ano pa lang dahilan, bakit ka na-confine?” tanong ni Abigail.

“Ang totoo niyan, gusto ko na talaga mawala sa mundong ito. May sakit ako sa puso, hirap na hirap na ako, hindi ko magawa kung ano ang gusto kong gawin.

Napaka daming bawal kaya hindi din ako nabubuhay ng normal. Pakiramdam ko, wala na akong silbi sa mundo. Wala nang ibang paraan bukod sa heart transplant pero walang mahanap na donorna magmamatch sakin” paliwanag ni Aya.

“Pero bakit kailangan mo pang gawin yon? Alam mo, Aya, ang daming tao dito sa 0spital na nagnanais at humihiling na mabuhay sila kahit gaano katagal.

 

Kaya ikaw, maswerte ka at nandito ka pa, humihinga. Sana wag mo sayangin ang bawat araw na nakakadilat ka at kayang pasmasdan ang ganda ng paligid. Dahil ang iba, hindi na sila nabigyan ng pagkakataong muli dahil sila ay nahimlay na” payo ni Abigail.

Ang bigat ng mga binitawang salita ni Abigail ay tila naramdaman ni Aya.

“Alam mo, hindi ko nga din alam kung bakit binigyan pa ako muli ng pagkakataon ng Diyos upang mabuhay. Matatapos din naman ang lahat ng ito dahil babawian na ako ng buhay dahil sa sakit ko. Pero bakit nandito ako ngayon nabubuhay sa hindi malamang dahilan” pagtataka ni Aya

“Minsan hindi talaga maipaliwanag ang nais sabihin sa atin ng Diyos dahil walang sinuman ang makakpantay sa katalinuhan niya.

Pero sana magtiwala ka sa plano niya. Palagi siyang mayroong napakagandang dahilan sa lahat. Kagaya nito, naniniwala ka bang may dahilan kung bakit tayo nagkita at nag- uusap ngayon?” kalmadong tanong ni Abi.

“Tandaan mo lang ang sinabi ko sayo Aya, magtiwala ka lang sa kaniya, lahat ng bagay ay may kasagutan kung marunong ka lang making.” Habang tinatapik ang balikat nito. Napayuko si Aya.

“Aya, pwede mo ba akong katagpuin ulit dito bukas? Ganitong oras ulit, may gusto lang sana ako sabihin sa iyo” hiling ni Abigail.

“Oo naman, Teka saang room ka pala naka-admit para madalaw kita” nakangiting lingon ni Aya ngunit hindi na niya nakita si Abigail. Inisip niyang bumalik na ito sa kwarto upang magpahinga.

Kinabukasan ay tinupad ni Aya ang kahilingan ng bagong kaibigan. tinawag niya ito sa kanilang tagpuan “Abigail!” tawag ni Aya.

Marahang lumingon si Abigail habang may maaliwalas na ngiti sa kaniyang labi at mata.

“Kanina ka pa ba rito?” tanong ni Aya

“Hindi naman. Sakto lang ang dating mo”

“Ano pala ang sasabihin mo sakin? Bigla ka kasing nawala kahapon e”

“Ah aalis na kase ako dito sa 0spital. Gusto ko lang magpaalam sayo” mahinhing sabi ni Abigail

“Talaga? Lalabas ka na? nakakatuwa naman at magaling ka na” masayang masayang tugon ni Aya

“May hihilingin sana ako sayong pabor”

“Ah ano iyon?” pagtataka ni Aya

“Kung sakaling mabigyan ka ng bagong pus0, maipapangako mo bang ipagpapatuloy mo ang buhay at magiging masayang muli? Maglilikod sa Diyos at magsisimulang making at sumunod sa kaniyang sinasabi?” tanong ni Abigail

Bagaman nagtataka si Aya, wala siyang pakundangang sumagot ng “Oo” kahit na hindi niya pa sigurado kung mangyayare ngang mabigyan siya ng bagong puso.

Ngumiti si Abigail at mahigpit na niyakap si Aya. Sa yakap na ito ay damang dama niya ang init ng pagmamahal ng bagong kaibigan. kahit na kahapon lamang sila nagkakilala, ang kanilang pakiramdam ay iisa.

“Maraming salamat, Aya. sa wakas ay kampante na akong makakaalis sa 0spital na ito” sambit ni Abi habang naluluha luha pa ang mga mata.

“Tutuparin ko, pangako”

May malakas na ingay na narinig si Aya mula sa loob at nilingon iyon. Nagkakagulo na ang mga nars maging ang mga doctor.

Nang ibaling muli ang tingin sa direksyon kung saan naroon ang kaibigan ay agad naman ulit tong naglaho.

Gayun pa man dahil sa gaan ng kaniyang nararamdaman, masayang bumalik si Aya sa kaniyang kwarto at doon ay sinalubong siya ng naka- assign na nars sa kaniya.

“Ms. Aya may nag match na po na d0nor sa inyo!” masayang masayang binalita ng nars

“T-talaga ho? Wow! Nakakatuwa naman po” mangiyak ngiyak na sabi ni Aya

“Opo, ipapahanda nap o ang mga test sa inyo para masimulan na ang transplant sa lalong madaling panahon”

“Salamat naman kung ganon. Pero may kilala po ba kayong Abigail?”

“P-paano niyo po nalaman?” nanginginig na tanong ng nars

“Ang ano po?”

“Abigail po kasi ang pangalan ng heart d0nor niyo. Isang buwan na siyang comatose sa 0spital na ito dahil sa pagkakaaksidente ng buong pamilya niya.

Siya lang ang nakaligtas, pero kanina lang ay tinanggal na ang kaniyang life supp0rt. Noong siya ay nabubuhay pa, mayroon siyang pinirmahang kasunduan na kung saan ay idodonate niya ang kaniyang 0rgans” sabi ng nars

“Balita ko, napaka maka- Diyos daw ng dalagang ito kaya hindi na nakapagtataka na napakabait niya at sa langit siya mapupunta.”

 

Tumulo ang luha ni Aya ngunit pinagpilitan niyang nakausap niya pa si Abi ng dalawang beses. Ngunit nang ipakita ang CCTV Footage, walang nakita doon na may kausap si Aya kundi hangin lamang”

Naganap ang operasyon at naging successful ito. Nang gumaling si Aya ay agad niyang pinuntahan ang puntod ni Abi at lubos na nagpasalamat. Nangakong tutuparin lahat ng kahilingan at bilin ni Abigail sa kaniya.

Sa kaniyang pagtayo ay naramdaman niya ang ihip ng hangin na tila yumayakap sa kaniya. ang init at kapayapaan na naramdaman niya sa yakap ni Abi noon ay siya niyang naramdaman ng mga panahon na iyon.

“Abi, alam kong ikaw yan, sana ay masaya ka sa kung saan ka man naroroon” masayang umalis si Aya sa puntod at agad isinabuhay ang lahat ng nararapat niyang gawin lalo na ang paglilingkod niya sa Diyos.

Source: Inday Trending