Empleyado, nagpasa ng palaban at prangka na Resignation Letter sa kanyang amo, viral sa socmed

Loading...

Sa panahon ngayon talaga naman na mahirap mag hanap ng stable na trabaho kaya naman ang iba ay lumuluwas pa sa Maynila para maghanap doon dahil alam nila na maraming kompanya at pabrika sa Maynila.

Samantala, bakit nga ba ang karamihan sa mga empleyado na mga nagbibitiw sa kanilang trabaho ay nahihiyang sabihin ang kanilang tunay na rason sa kanilang pagbibitiw ang iba pa nga ay naghahanap sa mga Google site ng kanilang resignation letter.

Pero kung mayroon naman na nahihiyang sabihin ang totoo sa kanilang boss, ay mayroon pa rin naman na tapat at sinasabi ang totoong rason kung bakit sila nagbibitiw sa kanilang trabaho.

Tulad nalang ng isang netizen na ito na gumawa ng kanyang resignation letter para sa kanyang boss at dito niya ibinuhos ang lahat ng kanyang hinanakit sa kanyang trabaho.

Nakaraan ay ibinahagi ng netizen na si Aian Tiong Arroz sa kaniyang social media account ang kaniyang sulat na talaga naman na nag trending dahil mababasa mo dito ang pagiging palaban niya at prangka niya sa kanyang sulat na ibibigay niya blang pamamamaalam sa kaniyang kompanya na pinapasukan.

Ayon sa kaniyang post, sinabi nito na masaya naman siya sa kaniyang trabaho at siya ay nageenjoy dito, ngunit napapansin niya na habang tumatagal ay nagiging toxic na ang kanyang mga kasama.

Dagdag pa niya sa kaniyang post na hindi daw binabayaran ng kanilang kompanyan ang overtime nila sa pagtatrabaho at ang kanilang palikuran ay kulang sa mga gamit tulad na lamang na wala ton “bidet’.

Sinabi niya rin na nahihirapan siyang makipag-usap dahil language barrie sa ilang niyang mga katrabaho.

At isinama rin ni Aian ang iba niyang katrabaho na mahilig gumawa ng tsismis at paninira sa trabaho.

Pati raw ang mga tindera sa mismo nilang canteen ay may mga masasamang ugali kaya naman ang kanilang establisyimento ay unti-unti ng nagiging toxic at bukod dito sobranag mahal pa raw ng mga paninda dito.

Dahil sa pagka-viral ng post na ito maraming netizens ang nagbigay ng ibat-ibang reaksyon at komento ukol dito. Karamihan sa kanila ay nakakarelate sa kanilang ring trabaho.

Sa ngayon ang naturang post ay umani na ng 25,000 shares, 30,000 likes at halos 8,000 na comments.