Ating silipin ang maliit na bahay na ito na ginawang magarbo at mala-mansyon ang hitsura ng isang netizen

Loading...

Bata pa lamang si Grace Lucas ay naninirahan na sila sa isang maliit na bahay sa Villamor Airbase.

Sa kasalukuyan, si Grace ay naninirahan na sa isang bahay kasama ng kaniyang asawang si Miguel at ang kanilang tatlong anak.

Habang lumalaki ang kanilang pamilya, tila ang bahay ay nagiging masikip na para sa kanila kaya naman napag desisyonan ng mag- asawa na ipa renovate ang kanilang bahay upang gawin itong mas malaki.

Sa kasamaang palad, nahinto ang renovation dahil sa natumbang puno ng Sampaloc dahil sa typhoon Milenyo.

Ang buong pamilya ay sobrang nalungkot at nadismaya dahil sap ag kakaudlot ng planong renovation dahil sa Milenyo. Mabuti na lamang ay may decorator na nagngangalang Gwyn Guanzo ang tumulong sa kanila.

Nag desisyon si Gwyn na unahin ang pagpapatatag ng mga dingding at kisame upang masiguro ang kaligtasan ng mga titira dito.

Noon ang bahay ay mayroong bintana na napapaligiran ng kawayan kaya pinalitan ito ni Gwyn ng bamboo slat upang pumasok ang natural na ilaw at sariwang hangin.

Upang gawing masigla ang bahay, nag desisyon siyang gawing iba’t ibang kulay ang tema ng bahay. Ang mga dingding ay puti upang mas malaki tingnanang sala. Habang ang mga kagamitan ay may mga kulay na gray, white, pink, lilac at blue.

Pinalitan din ni Gwyn ang dining set ng makabagong dinning ser mula sa Crossing Home.

Hindi naman binago ang pwesto ng hagdan dahil imposible na ito dahil hindi magiging pantay ang dingding ng bawat kwarto.

Ang dingding naman sa kanilang maliit na kusina ay pininturahan din ng puti. Mayroong white brick backsplash at white na tiles.

Ang kanilang banyo ay dating semento lamang at walang gripo. Ngayon ay mayroon na itong shower set at mayroon nang white na tiles na mas nagpaganda sa lugar.

 

Kung titingnan sa naturang house transformation, hindi mo na nga naman kailangan pa ng mga magagarbong desenyo o mamahaling gamit basta ang mahalaga ay alam moa ng tamang desenyo at babagayan na kulay upang mas maging maganda ang iyong bahay.