Tonton Gutierrez, ibinahagi ang sekreto ng kanilang matatag at masayang relasyon ng kanyang asawa na si Glydel Mercado- Gutierrez

Loading...

Ang pag-aasawa ay hindi madaling obligasyon dahil sa oras na ikaw ay nag-asawa ay dapat handa ka sa mga pagsubok na iyong haharapin at kailangan niyo magsumikap para sa pamilyang inyong bubuoin.

Pero ang pag-aasawa siyempre ay may maganda at masayang kasama dahil may isang tao ka nang makakasama sa araw-araw at kasama mo hanggang sa pagtanda at sa pagmamahal na walang hanggan.

Isa sa mga pagsubok na dumadaan sa buhay mag-asawa ay kung parehas kayong nagtatrabaho at nagiging dahilan ng pagkawala ng oras para sa isa`t isa.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit may mga mag-asawang napipilitang maghiwalay dahil sa kakulangan sa oras. Ngunit mayroon naman na mag-asawa na kahit ano pang pag ka busy sa trabaho ay nagagawan ng paraan na magkaoras sila para sa kanilang pamilya.

Kadalasan ng mga mag-asawang nakakaranas ng ganitong sitwasyon ay ang mga mag-asawang nasa mundo ng showbiz.

Dahil alam naman natin na kapag ikaw ay isang artista hindi pare-parehas ang oras ng iyong trabaho kung kayat kulang ang oras nila para sa kanilang pamilya at nagiging dahilan ito upang mapalapit sa tukso kaya ang iba na mag-asawa ay naghihiwalay.

Ngunit hindi lahat ng mag-asawang artista ay naghihiwalay mayroon din na patuloy lang na nagiging matatag ang kanilang relasyon sa kabila ng maraming pagsubok.

Isa sa mga magpapatunay diyan ay ang showbiz couple na sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado na talaga naman na hinahangaan dahil sa pagpapanatili ng kanilang matatag na relasyon bilang mag-asawa kahit pa nga sila ay parehas artista at busy sa kani-kanilang trabaho sa telebisyon.

Ayon sa aktor halos 21 taon na silang magkasama sa buhay simula palamang na sila ay magkasintahan hanggang sila ay naging mag-asawa na ay hindi sila nag-away dahil sa pangangaliwa.

Dahil ayon kay Tonton napakaliit na ng mundo upang magloko pa dahil kahit saan ka mag punta ay nakapalibot ng ang lahat sayo dahil sa social media konting pagkakamali mo lamang ay lalabas at lalabas agad ito sa balita.

Marami ang nagsasabi sa mag-asawa na sila ay mauuwi din sa hiwalayan dahil sa kanilang trabaho na parehas silang artista. Pero pinatunayan nila na mali ang iniisip nila dahil hanggang ay magkasama sila at halos dalawang dekada na silang nagsasama nang masaya.

Naikwento din ni Tonton na noong sila ay magkasintahan pa ay nag-away sila na nauwi sa hiwalayan pero hindi nagtagal ay nagkabalikan sila at nauwi na nga ito sa pagsasama nila bilang mag-asawa.

Ayon sa mag-asawa ang kanilang sikreto sa kanilang matatag na relasyon ay ang tiwala at pag-iintidihan sa isat-isa. Halimbawa daw ay may eksena sila sa kanya-kanyang pelikula o palabas na malaswa ang ginagawa na lamang nila ay pinalalampas ito at hindi binibigyan ng malisya dahil ito daw ay kasama sa kanilang trabaho.

Para sa aktres na si Glydel hanggat kaya daw iiwas niya ang mga ganong eksena sa kanyang mga anak ay iniiwas niya.

Dahil kahit pa nga pareho silang mga artista ay sinisigurado pa rin ng mag-asawa na ang kanilang mga anak na hindi nila ito pinababayaan at binibigyan ng tamang oras na makasama at kamustahin ang mga ito.

Ang mag-asawang Tonton at Glydel ang magpapatunay na tiwala at pagiintindi sa isat isa ang sikreto para maging matatag ang isang relasyon.

Add Comment