Silipin ang Tower-Like House sa Laguna ni Alden Richards na sobrang lawak at yayamanin ang hitsura

Loading...

Isa sa kinakikiligan at hinahangaan ang Kapuso Heartthrob na si Alden Richards. Noon pa man ay madami na ang naiinlove umano sa kaniyang ngiti lalo na kapag nakikita ang kaniyang greatest asset na dimples.

Lalo pa siyang sinubaybayan at kinakiligan nang makatambalan si Maine Mendoza o Yaya Dub bilang AlDub sa noontime show na Eat- Bulaga.

Matagal tagal na din nang nagsimula sa industriya ng showbiz si Alden kaya naman, hindi na nakapag tataka ang kaniyang mga nakamit na bunga ng kaniyang matiyagang pagtatrabaho at serbisyo.

Isa sa kaniyang maipagmamalaki ang talaga namang napakalaking bahay at lupa na kaniyang nabili sa Laguna na kung saan ay ipinarenovate niya sa loob ng 10 buwan sa tulong ng kaniyang interior designer at architech.

Naging hands- on ang aktor sa pag papaayos nito upang masigurong masusunod ang kaniyang gustong disenyo.

Tunay ngang napaka ganda ng kinalabasan ng naturang bahay umano ni Alden Richards. Mayroon ding mga sariling kwarto ang kaniyang lola’t lolo.

Makikita sa labas ng kaniyang bahay sa ikalawang palapag, ay ang masarap tambayan na kung saan tanaw moa ng mga halaman at dama moa ng malinis na hangin.

Pahayag ng aktor, nais na niyang mamalagi dito kasama ng kaniyang pamilya at magiging pamilya pa. kaya naman, lahat na ng kanilang kakailanganin ay sinigurado niyang naroon na.

Ang bahay ay may temang neutral colors na kung saan kakalmahan ang hatid sa pakiramdam. Hindi naluluma ang kulay kaya madaling bagayan.

Makikita din sa kanilang dining area ay ang 8-seater dining table na kasyang kasya ang kaniyang pamilya. naroon din ang mamahaling chandelier na nasisilbing ilaw sa tuwing kumakain.

Kasama din sa kaniyang ipinabago sa kaniyang bahay ay ang hagdan papunta sa second floor.

Sa katunayan, ito ay nakapwesto sa gitna ng bahay ngunit pinalipat niya ito sa gilid upang magamit pa ang espasyo para sa kaniyang mini bar.

Hindi din padadaig ang kaniyang kitchen area. Malinis at malayang makakagalaw ang sinumang magluluto dito.

Hindi pa man din tapos at kumpleto, ngunit makikita na din ang kaaliwalasan nito.

Syempre, ang kaniyang sarili kwarto na simple at napaka komportable. Wala gaanong iniligay si Alden sa kaniyang kwarto ngunit kapansin pansin ang kaniyang human-size na Iron Man.

Ayon sa kaniya, balang araw ay mailalagay niya din sa kaniyang kwarto ang mga koleksyon ng Avengers.

Add Comment