Pokwang, hindi napigilan sagutin ang isang netizen matapos sabihan na m0nggol0id ang kanyang anak na si baby Malia

Loading...

Iba talaga ang usapan kapag pamilya mon a ang dinadamay sa mga matatalim at mapanlait na bibig ng mga taong nakapaligid sa iyo.

Kamakailan lamang nang nag selebra ng Mother’s Day ang buong mundo upang hirangin ang mga amazing moms na nag aaruga ng kanilang mga anak kadugo man o hindi.

May 10 nang mag upload ang komedyanteng si Pokwang sa kaniyang IG Account with partnership sa downyphilippines. Sa larawan na ito, makikitang kasa- kasama niya ang kaniyang bunsong anak na si Malia.

Imahe mula kay itspokwang27 | Instagram

Ang magandang larawan ng mag ina at malaman na caption ay tila sinira ng isang netizen na siyang lumait sa itsura ni Malia. Sinabihan umano nito na mukha daw mongoloid ang anak ni Pokwang.

Bilang isang ina, pinagtanggol niya ang walang kamuwang muwang na anak sa netizen na iyon. “Ganyan umatake ang mga kampon ni Satanas kapag wala na maisip na pambato sa ’yo titirahin ka kung saan ka mahina!”

Imahe mula kay itspokwang27 | Instagram

“Kung mukhang m0ngg0l0id ang anak kong walang muwang, ikaw matanda ka na pero mas may utak sayo ang monggoloid na sinasabi mo!” dagdag pa niya

Bilang tugon sa panlalait sa kaniyang anak na si Malia, diniin ni Pokwang na nawa ay mabuhay ng netizen na ito ng maayos ang kaniyang mga sinusustentuhan sa pagiging troll sa social media.

Imahe mula kay itspokwang27 | Instagram

Akala ko ba matatalino mga trolls? I’m sure may anak ka rin na inosente at binubuhay mo sa pagiging troll mo.

Sana mapakain mo s’ya nang maayos sa pang-aalipusta mo sa anak ko na walang malay, at sana mapalaki mo s’ya na maging isang mabuting mamamayan,” saad ni Pokwang.

Imahe mula kay itspokwang27 | Instagram

Bilang Mother’s Day nga noon, hindi pa din nakalimot si Pokwang bumati ng Happy Mother’s Day.

“Happy Mother’s day sa nanay mo at nanay ko at sa nanay sa buong mundo”.

Add Comment