Misis na online seller, nagalit sa suot ng customer matapos makita ang mga larawan nito sa cp ng kanyang mister

Loading...

Madami sa atin ngayon ang mga gumagamit ng social media hindi lamang sa pakikibalita, pag kakamustahan kung hindi pati na din sa pag nenegosyo.

Tingin ng iba ay medyo delikado ito dahil walang kasiguraduhan kung ito nga ay ang tinatawag na “legit” o tunay o ang masama, “b0gus” o peke.

Madami ang mga buyers na nag titiwala sa mga sellers na may pruweba o mas kilala.

Syempre, hindi din naman maiiwasan na ang mga sellers din ay magduda kung tunay nga bang customers ang kanilang binebentahan o kaya man ay joy reservers lamang.

Isa sa pinaka magandang patunay ay ang pag kukuha ng litrato sa nasabing item at transaksyon.

Ngunit tila bakit parang galit nag alit ang isang online seller na ito nang makita ang tatlong larawan ng iisang babae sa cellphone umano ng kaniyang asawa.

Ayon dito, ang asawa niya ang nag deliver ng orders. Bilang katunayan na naibigay na ang order, kinakailangan nitong kuhanan ng larawan.

Sa kasamaang palad, iba ang naging resulta ng patunay na ito pagkat ang naturang larawan ay may iba’t ibang anggulo na kung saan katawan ng babae ang agaw pansin.

Imbis na kaniyang asawa ang kaniyang kagagalitan, nagpost ang online seller na si Marites Solomon sa isang group na BRGY. MARULAS BUY&SELL na nag bababala sa mga kapwa niya sellers na mag ingat daw sa mga customers na katulad ng babae sa larawan.

Pinapalabas niyang dapat daw ay magsuot ng maayos ang mga customers lalo pa’t alam nilang mayroong mag dedeliver sa kanila.

Sa kaniya din mismo nanggaling na ang mister niya ang mismong kumuha ng litrato sa babae. Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens na nakabasa.

Ayon sa iba ay wala naman daw mali sa suot ng babae. sa katunayan, ito ay normal lang pagkat nasa bahay lang naman daw siya at walang kahit anong espesyal na okasyon para magbihis pa ng magara.

Add Comment