Mga kilalang artista noon na nilisan ang showbiz, ito na ang kanilang buhay at hanapbuhay ngayon

Loading...

Marahil pagsinabing artista ang trabaho mo ang papasok agad sa iyong isipan ay malaki ang sahod. Ito ay totoo naman kaya naman marami ang mga nakikipagsapalaran at nagpupursige na makapasok sa Mundo ng pag-aartista.

Ngunit ang buhay ay hindi palaging nasa taas kaya naman kapag ikaw ay nakapasok sa ganitong trabaho siguraduhin mong mag-iipon ka para kapag wala ka na sa showbiz ikaw ay may naipon.

Dahil walang permanente sa mundo hindi palaging nasa taas ka ang buhay natin ay parang gulong minsa`y nasa taas minsa`y nasa baba.

Maraming showbiz personalities na ating iniidolo ang nakaranas ng ganito na minsa`y nasa taas at minsa`y nasa baba at bigla nalang mawawala sa industriya.

Kaya naman mas pinili nilang iwan ang showbiz dahil hindi ito permanente maaring anumang oras ay bawiin ito sa kanila. Kaya naman narito ang ilan sa mga artista na nilisan ang industriya ng showbiz para sa regular na trabaho o para sa kanilang pamilya.

Isa diyan ang dating aktres na si Jewel Mische, mas pinili ni Jewel na tuluyang iwan ang showbiz nang siya ay magpakasal kay Alister Kurzer na isang businesman sa kanyang pag-alis sa showbiz mas pinag-tuunan na lang ng pansin ni Jewel ang kanyang nag-iisang anak na si Baby Girl Aislah Rose.

Pangalawa naman natin ay si AJ Dee, Ang dating Amaya Star na si AJ ay lumipad patungong Norway para doon makasama ang kanyang asawa na si Olga at ang kanyang dalawang anak na si Alexandros at Maximus.

Sa isang panayam kay AJ narito ang kanyang dahilan kung bakit niya iniwan ang showbiz. “The reason why I chose to live here in Norway is that my wife told me Norway is one of the best country to raise a family”.

Ikatlo ay si Beth Tamayo, Nilisan ni Beth ang Pinas noong December 2008, ngayong sa kasalukuyan ay isa na siyang office admin staff at isang baby sitter sa isang colombian family.

Pang-apat ay si Jao Mapa, ang dating teen hearthrob na si Jao ay isa nang art teacher sa isang Canadian American School sa Makati City. Dahil si Jao ay isang Fine Arts degree sa University of Sto. Tomas.

Pang-lima ay si Steve Dailisan, ang kilalang broadcaster ng ’24 Oras” na si Steve Dailisan ay nilisan ang media para sa kaniyang pangarap na maging isang tunay na Piloto. At hindi naman siya nabigo dahil noong Oktubre 2018 ay nakuha na ni Steve ang kanyang License.

Ika-anim Kim Delos Santos, ang dating ‘T.G.I,S’ aktres na si Kim ay ang naging kapares o ka loveteam ni Dino Guevarra. Siya ay isa na ngayon Dialysis nurse sa New Jersey, USA.

Pang-pito ang dating child star at child host ng ‘Eat Bulaga’ na si Serena Dalrymple, Si serena ay marami naging movies na may temang comedy isa sa pelikulang sumikat siya ay ng makasama niya ang Comedy King na si Dolphy sa “Daddy O, Baby O’, at sa kanyang pag-alis sa showbiz siya isa na ngayong Manager at Procurement COE sa Viacom.

at ang Huli ay si Red Sternberg ng isang ‘T.G.I.S’ hearthrob noon, Ngayon ay isa na siyang Corporate Director of Housekeeping ng by The Sea Resorts Inc.

Ito ang ilan lamang sa mga artista noon, Na ngayon ay masaya na sa kani-kanilang buhay.