Matandang babae, nabigyan ng malaking gantimpala matapos tulungan ang isang binatang gusgusin na isa palang Heredero

Loading...

Sa may malayong lugar mayroon isang maliit na nayon na may nakatira na isang babae na ang pangalan ay Aling Maria.

Mag-isa na si Aling Maria dahil matagal na ang nakalipas matapos pumanaw ang kanyang asawa sa kasamaang palad ay hindi sila nagkaroon ng anak.

Kaya naman tumanda siya na siya lamang at walang kasama sa buhay. Isang araw sa kanyang paglalakad may nakita siyang binata na parang naliligaw.

“Ale-ale, Magandang hapon ho, magtatanong lang ho sana ko ano hong lugar ito at nasaan po ito?” Wika ng binata.

Illustration Photo Only

“Ay iho narito ka sa aming nayon na San Isidro, Bakit ka ba andito anong nangyari sa iyo?”.

“Naliligaw po ata ako, ilang araw na po kasi akong naglalakad wala naman pong gustong tumulong sakin sa totoo lang po lola kayo lamang po ang kumausap sa akin.”

Hindi naman nag-alinlangan si Maria dahil naawa ito sa binata kaya naman kanya itong pinatuloy sa kaniyang tahanan. Napansin niya kasi mukang gutom na gutom ang binata.

Nagpakilala naman ang binata na si Ryan. Samantala dahil sa kanyang pagmamalasakit ay may mga kapitbahay na nagtataka.

“Ano ba naman yan si Maria, Inimbitahan at pinatuloy pa sa kanyang bahay ang maduming lalaki na yon, Halata pa naman sa itsura na parang masamang tao”, wika ng isang kapitbahay.

“Nako sinabi mo pa! Baka mamaya pa yan ang magdala ng kamalasan dito”.

Kahit pa maraming galit at pinagsasabi sa kanya ang kanyang mga kapitbahay ay hindi niya ito pinangkinggan at patuloy lang si Maria na ito ay tulungan.

Illustration Photo Only

Sa ilang araw pananatili ni Ryan sa bahay na iyon. Nakita ni Maria na hindi masamang tao si Ryan at may mabuting puso at nangangailangan lang talaga ng tulong.

“Aling Maria, Maraming salamat ho sa mga tulong niyo ha. Siguro po ay oras na para ako ay umuwi.”

“Walang anuman Ryan, Masaya ako na nakakatulong sa iba at masaya ako na malakas ka na ngayon, ito ang kaunting pera para may mabaon ka.”

“Nako salamat po talaga, Pasensya na ho kayo kung hindi ko ito matatanggihan dahil kailangan ko rin ho ngayon, pangako ko sainyo babayaran ko po ang lahat ng ito.”

Maya-maya nga lang ay umalis na si Ryan para makauwi na sa kanila, Bukod sa pera na pinabaon ni Aling Maria ay pinabaunan niya rin ito ng makakain at inumin.

Lumipas ang buwan wala na naman sa isip ni Maria na babalik pa si Ryan. Kaya naman laking gulat niya nang bigla itong sumulpot sa kaniyang bakuran.

Illustration Photo Only

“Magandang umaga Aling Maria, Kamusta po kayo? Natatandaan niyo pa po ba ako?”

“Aba`y oo naman, halikat pumasok tayo sa loob.” Pagtataka lamang ni aling Maria ay may magandang sasakyan at isang truck ang nakagarahe sa kanyang bakuran. Sa kanilang paguusap nalaman ni Aling Maria na isang heredero si Ryan.

“Naalala niyo pa po ba nung nakita niyo ako, May humahabol po kasi sakin non kaya napadpad po ako dito sa lugar niyo dito sa San Isidro”.

“Hala, bakit ka naman hinahabol? May kailangan ba sila sayo?”

“Mayroon po. Ang pamana sa akin ng aking ama na pumanaw na kaya naman po ako natagalan bumalik dahil marami po akong inayos”.

Illustration Photo Only

Ayon sa kwento ni Ryan, siya ay isang anak sa labas kaya naman hindi matanggap ng kanyang mga kapatid sa ama na malaki ang pinamana na iniwan ng kanilang ama kay Ryan.

Sa tulong ng pinagkakatiwalaang abogado at kaibigan ng kaniyang ama nakuha ni Ryan ang yaman na pamana sa kanya at walang nagawa ang kanyang mga kapatid.

“Diyos ko po, Nakakatakot at Nakakalungkot pala ang pinagdaanan mo Ryan. Ngunit nmasaya ako dahil nakuha mo ang dapat ay para sa iyo”.

“Maraming salamat po, Pero ang dahilan po kaya po ako ay na parito ay para po suklian at bayaran ang mga kabutihan niyo pong nagawa sa akin noon, lumaki po akong walang ina kaya salamat po at ipinaramdam niyo rin po sakin ang pagkakaroon ng isang Ina”.

Illustration Photo Only

“Ano ka ba! Wala yon hindi na kailangan, Bukal sa aking loob ang pagtulong sa iyo iho”.

Subalit nagpumilit pa rin si Ryan at ipinababa ang mga kagamitan na pinamili niya para kay Aling Maria, marami ang mga ito tulad ng isang bagong telebisyon, sala set mga gamit sa kusina sa kwarto malalambot na unan at isang malaking kama, mga bagong damit, maraming groceries at mamahaling gamit sa bahay tulad ng upuan at lamesa.

“Para saan naman po ang aking yaman kung hindi ko po matutulungan ang mga taong tumulong sa akin noon na ako ang nangangailangan”.

Marami silang pinagkwentuhan at masaya silang nagkamustahan at lumipas ang ilang oras ay tuluyan ng nagpaalam si Ryan para umuwi, Alam niyang hindi tatanggapin ni Aling Maria ang pera kaya naman pa simple niyang iniwanan ang isang sobre na pera sa kwarto para ito ay hindi makatanggi.

Samantala, inggit na inggit naman ang mga kapitbahay niya at sinasabi nila na kung sana ay sila na lang ang tumulong sa binatang si Ryan,

Illustration Photo Only

“Tignan ninyo o siya yung gusgusin noon o, Diyos ko ubod pala ng yaman”.

“Oo nga noh, napaka-swerte naman ni Maria at tinulungan din siya”.

Lumipas naman ulit ang mga buwan, hindi parin nakakalimot si Ryan kay Aling Maria, Paminsan-minsan ito ay dumadalaw sa bahay ni Maria para kamustahin at magdala ng mga pagkain.

Sa pagtagal ng panahon ay itinuring niya ng kapamilya si Aling Maria at para na niya itong Ina. Masaya din naman si Aling maria at nagkatagpo sila ni Ryan sa pangyayaring iyon ay nagkaron ng parang Ina si Ryan at nagkaroon naman ng anak si Aling Maria na matagal na niyang hinihiling noong may asawa pa siya.

Talagang ito ang nagpapatunay na ang taong matulungin sa kapwa ay ginagantimpalaan. Kaya naman kahit pa hindi sa materyal na bagay at pera ay maari naman tayong makatulong kahit sa maliliit na bagay. Sana ay maging inspirasyon din ito.

Add Comment