Lalaking 22 taong gulang, ginasgas ang natipuhang BMW Sedan dahil ayaw itong bilhin ng kaniyang ama para sa kaniya

Loading...

nila, kung anong pug sa isang magulang na ibigay ang lahat ng gustuhin at pangangailangan ng kanilang mga anak ngunit paminsan ay hindi palaging pwede.

Nararapat lamang na matutong tumangi o humindi lalo na sa mga hiling na medyo imposible.

Ang pag iral ng katigasan ng ulo ng bata ay dapat ginagawan na ng paraan upang hindi na niya dalhin pa sa kaniyang pagtanda.

Ngunit bilang isang indibidwal na may sariling utak at may kamalayan na sa paligid, nararapat lamang na maging maayos ang iyong mga kilos at desisyon.

Katulad na lamang ng isang 22 taong gulang na lalaki na ito na basta basta na lamang ginasgas ang isang bagong bago at mamahaling BMW dahil lamang sa kaniyang hindi makontrol na galit sa ama.

Ang lalaki ay nakilala bilang si Ji Moubing ng Jiangxi City of Shangrao sa China. Ayon dito, masayang masaya daw siya dahil sa wakas ay nakakuha na siya ng kaniyang driver’s license.

Bilang kapalit at reward ng kaniyang ama, bibilhan siya nito ng sariling sasakyan ngunit hindi pa sinasabi kung anong brand nito.

Pumuna siya sa showroom ng BMW na kung saan pinaka nagustuhan niya ay ang dark blue na sedan. Naroon daw kasi ang lahat ng features na ninanais niya sa isang kotse at malamang ay magustuhan din ito ng kaniyang ama.

Kitang kita sa CCTV nag alit nag alit si Ji habang kausap ang ama sa telepono sa kadahilanang hindi daw pumayag na bayaran ng kaniyang ama ang BMW na kaniyang nagustuhan. Kaya naman sa kaniyang pagbalik ay kinuha niya ang susi at ginasgasan ang rear door nito

Agad namang tumawag ng pulis ang salesman dahil sa insidente. Hindi na nalaman ang naging resulta nito kung binili ba o hindi ng kaniyang ama ang kotse. Basta ang sigurado ay mapaparusahan si Ji dahil sa kaniyang inasal.