Ama, tinuruan ng leksyon at niIasing ang pasaway na anak na palaging nag-iin0m kasama ang barkada

Loading...

Hindi na bago sa atin ang mga gawain o hilig ng karamihan sa kabataan ngayon.

Ang iba pa nga ay walang iniintindi kundi ang lakwatsa, gimik kasama ang barkada, walang pakialam sa magulang at malala pa ay marunong na uminom ng alak sa murang edad.

Kaya naman ang ibang magulang ay hindi na alam ang gagawin sa kanilang mga anak kung paano ito didisiplinahin sa mga bisyo.

Samantala, naiiba ang isang tatay na Japanese na ito may sarili siyang pamamaraan sa pagdidisiplina.

Ito ay ibinahagi ni Reiko, isang babaeng hapon ikinuwento niya ang kanyang naging karanasan kung paano siya dinisiplina ng kanyang tatay sa kaniyang pag-iinom.

Illustration Photo Only

Ayon sa kwento ni Reiko, noon raw ay mahilig siyang gumala kasama ang barkada at madalas pa nga raw sila gumawa ng kalokohan hanggang sa matuto na siya mag-inom na labis naman ikinabahala ng kanyang mga magulang.

Isang araw, Si Reiko ay nasurpresa matapos itong yayain ng kanyang tatay na mag-inom kahit pa saan nito gusto.

Illustration Photo Only

Kahit pa may alinlangan si Reiko ito ay pumayag na lamang para naman maranasan niyang kasama uminom ang kanyang tatay.

Habang sila ay nasa labas na, Wika ng kanyang tatay sa kanya na kahit daw ilan ay maari siyang uminom at sinisigurado nitong sila ay makakauwi.

Malakas naman ang loob ni Reiko dahil kasama naman ang kaniyang tatay kaya hindi magagalit ang kanyang ina.

Illustration Photo Only

Nang sila ay makapunta sa restaurant para kumain muna ay inakala ng mga tao na siya ang bagong girlfriend ng kanyang tatay.

Ganon din pag tungo nila sa isang night club pero hindi sila nagtagal don at lumipat din sa iba.

Ang sumunod na kanilang pinuntahan ay ang isang sushie bar kung saan lalong niyaya ng kaniyang tatay na mag inom.

Illustration Photo Only

At ang sunod nilang pinuntahan ay hindi na niya maalala at ang kanyang mga iniinom ay hindi niya na din alam.

At ang huli nilang pinuntahan ay ang isang tindahan ngunit hindi niya maalala kung ano ang ginawa nila at tapos non ay umuwi na sila at medyo nagkamalay na.

Humingi naman siya agad ng paumanhin sa kanyang tatay dahil sa kanyang pagkalasing. Wala naman kibo ang kanyang ama at sinabing matulong na lamang ito.

Kinabukasan, Paggising niya ay sobrang sakit ng ulo niya at siya ay hiyang hiya sa kanyang tatay dahil sa pagkalasing nito.

Illustration Photo Only

Ngunit ng siya bumaba para sumalo sa pagkain bigla naman umalis ang kanyang tatay ngunit may iniwan itong sulat para sa kanya.

“To Reiko. Last night was fun. We should do it again sometime. Also Reiko. do you know how much you drank last night to get in that groggy state? You had two beers and five chuchai (shochu high-ball). That`s your ‘limit’. So from now on, when you go out drinking with friends, be sure to stop before you reach that limit. The world has some bad people in it and some of them may want to take advantage of you. I can`t be around to protect you. so that`s why we did this. so you can know your own limit and protect yourself. I know you can do it. Love, Dad”.

Dahil sa sulat ng kanyang tatay at sobrang laki ng pasasalamat ni Reiko dito dahil sa kanyang mga turo.

Sa ngayon ay natuto na siya at alam na niya ang kanyang limit. Nagbago na rin si Reiko at imbis na siya ay sumama sa gimik siya tumutulong na lang sa kanyang tatay at nanay sa bahay.

Sambit ni Reiko, ang kaniyang ama ang dahilan kung sino siya ngayon at kung ano ang meron siyang ugali ngayon.