Silipin ang simple at magarbong bahay na naipundar ni Julia Montes bunga ng kanyang pagta-trabaho

Loading...

Madami sa mga netizens at mga taga hanga ang nag rerequest ng house tour sa mga iba’t ibang sikat na personalidad sa industriya ng showbiz.

Dahil nais ng mga personalidad na ito na pag bigyan ang kahilingan ng kanilang fans, nagiging bukas ang kanilang tahanan upang ipakita ang labas at loob na katas ng kanilang pag hihirap.

Kagaya na lamang ng aktres na si Julia Montes na ipinasilip ang kaniyang bahay.

Noong 2012 pa nag hanap si Julia ng kaniyang nais na maging tahanan sa Antipolo ngunit hindi umaayon sa kaniya ang tadhana nang mga panahon na iyon.

Kadalasan na kaniyang makita ay mahal o kaya man ay kinakailangan pa ng maraming renovation na kung saan ay kinakailangan din ng malaking halaga.

Ngunit nang matagpuan ang bahay na ito ay agad namang kinuha ni Julia pagkat ito ay maayos at patapos na bahay na.

Ayon sa kaniya, madali lamang itong linisin at ayusin. Makikita sa kaniyang IG Account ang larawan ng loob at labas na kaniyang biniling bahay sa Antipolo.

Simple man ang tahanan ni Julia, ngunit makikita sa mga larawan na talaga namang kay aliwalas ay napaka komportable tirahan.

Kumpleto ang mga gamit at kwarto tunay nga naman na kapag galing sa sarili mong pag hihirap, lahat ng makita mo ay maganda at sapat na para sa iyo.

Add Comment