Engineer na OFW, pinagtabuyan ng pamilya at ngayon nakatira sa kalye matapos mawalan ng trabaho at maubos ang pera

Loading...

Minsan sa tao, pera lamang ang nagiging sentro ng relasyon. Aminin natin at sa hindi, may mga taong pera lamang ang habol sa kakilala, kaibigan, asawa ngunit ibang usapan na kung pati ang mga kapamilya.

Lubos na nadurog ang pus0 ng mga netizens sa kwento ng isang dating matagumpay na OFW na si Romeo Ordaz na ilang taon ding nagtrabaho sa ibang bansa kagaya ng Saudi Arabia noong 1977.

Lumipat naman sa bansang Ireland sa kadahilanang may mas magandang oportunidad dito.

Ngayon ay tila kawawang tuta na pinagtabuyan na lamang ng sariling pamilya dahil wala na umanong trabaho ito

Taong 2011 nang siya ay mawalan ng trabaho dahil siya ay nagkasakit at hindi na makayanan ng katawan.

Dahil mayroon naman siyang katiting na ipon ay nakauwi ito at namalagi sa Pilipinas upang magpagamot.

Noong una ay inaalalayan at sinasamahan pa siya ng kaniyang mga kapatid. Ngunit simula nang naubos ang pera nito, tila ba unti unti ding naubos ang pagmamalasakit ng kaniyang sariling kadug0.

Nabanggit din niya na mayroon siyang naiwang pamilya doon sa bansang Ireland kung saan naroon ang kaniyang asawa at mga anak ngunit nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan at hindi magandang samahan.

Wala nang ibang mapuntahan si Romeo, wala na din siyang pera at maging sapat na lakas upang makahanap pa ng trabaho.

Wala na siyang nagawa kung hindi ang maging palaboy na lamang sa kalye.

Sinubukan ding kapanayamin ang mga kapatid ni Romeo ukol sa nangyayari ngunit tumanggi ang mga ito na magbigay ng pahayag.

Kasalukuyan namang tinutulungan ng News Crew si Romeo upang maaksyunan ng Social Security System ang kaniyang masalimuot na sitwasyon at muling makabalik sa kaniyang normal na buhay sa pamamagitan ng cash assistance.

Add Comment