Andi Eigenmann, naghatid ng nakakaantig na mensahe para sa kanilang Second Anniversary ng nobyong si Philmar Alipayo

Loading...

Simula nang isapubliko ni Andi Eigenmann ang tungkol sa relasyon nila ng isang pro surfer na si Philmar Alipayo maging ang kanilang anak na si Baby Lilo, madami ang natuwa at sumuporta sa naging bagong pamilya niya.

Ang pagmamahal ng kaniyang fans ay hindi naglaho maging ang kaniyang mga pamilya at kaibigan ay sobra pa din siyang sinusuportahan.

Madami din ang humanga sa simpleng pamumuhay ni Andi sa isla.

Matatandaang pinakawalan niya ang lahat ng mayroon siya kagaya ng magagandang damit, mamahaling alahat at mga make up upang mamuhay lamang ng simple.

Masaya si Andi sa lahat ng kaniyang naging desisyon dahil para sa kaniya, ang tunay na kaligayahan ay wala sa material na bagay kundi sa pamilya na mayroon ka.

Lubos na nag papasalamat si Andi sa kaniyang nobyo na si Philmar na sumama sa kaniya sa buhay na ninais niya.

Madami ang natouch sa mensaheng inihatid ni Andi sa kanilang 2nd Anniversary na kung saan damang dama ng mga nakabasa nito ang tunay na pagmamahal at saya ng simpleng pamumuhay kasama siya.

 

“I made the best decision to choose happiness above all else. I am grateful for the life I have (and am able to give my kids), and without you in it, it wouldn’t be the same. Thank you for always making me feel like I am on top of the world. Happy anniversary my mahal!”

 

Add Comment