Barista, nabiyayaan ng P3.6M matapos ipahiya ng isang customer na tinanggihan pagsilbihan dahil walang facemask

Loading...

Dahil sa kanyang pagiging masunurin na empleyado isang barista ang nakatanggap ng gantimpala na halos $74,000 o 3.6 milyong piso.

Dahil ito sa pamamahiya sa kanyang ng isang costumer na ayaw sumunod sa patakaran na ang lahat ng walang facemask ay hindi pag sisilbihan ng mga empleyado ng store na ito.

Ang babaeng tinutukoy na namahiya sa barista ay si Amber Lynn Gilles siya nakatira sa San Diego California.

Ipinahiya niya ang isang barista ng isang branch Starbacks sa Unite States matapos siyang tanggihan na pagsilbihan ng isang barista.

Dahil sa pangyayaring pagtanggi ng barista kinuhanan niya ito ng litrato at sa sobrang galit ay ipinost sa social media nitong Lunes lamang , June 22,2020.

Ayon sa kanyang post :

“Meet Lenen from Starbucks who refused to serve me cause I`m not wearing a mask”.

“Next time I will wait for cops and bring a medical exemption”. Dagdag pa ng costume na si Gilles.

Ayon kasi sa kinauukulan ng California, Dito ay kailangan umanong sumunod na magsuot ng facemask ang lahat.

Nasa loob man o labas. Lalo na sa mga lugar na hindi maipatupad ang social distancing.

Dahil sa post na ito ni Gilles, Umani siya sa mga netizens ng iba`t ibang uri ng komento at karamihan ay pambabatikos sa kanyang ginawa.

Dahil sinasabi ng mga netizens na sumunod lamang sa rules and regulation ang nasabing barista.

Samantala, pagkatapos kumalat nitong post ni Giles, Gumawa ng isang fundrasing ang isang Matt Cowan na page ng GoFundMe (Tips for Lenin Standing Up To A San Diego Karen) para makalikom ng pera para sa barista na si Lenin Gutierrez.

Ang hangad lamang ni Cowan ay makalikom sila ng halagang $1,000 o P49,000 para kaya Lenin.

Ngunit hindi niya akalain na maraming magbibigay ng tip para sa barista at pagsapit ng ika-24 ng Hunyo, Nakakolekta na si Matt ng $10,000 (o katumabas ng P499,800)

Matapos naman malikom ang nasabing pera agad nakipagkita si Matt kay Lenin para ito ay personal na iabot sa barista.

Sobra-sobra naman ang pasasalamat ni Lenin sa mga tumulong sa kanya at sa pamamagitan ng kanyang Facebook page gumawa siya ng video para sa mga tumulong sa kanya.

“It`s so shocking to see something get so big that only happened within a few minutes” At kasabay ng pasasalamat niya ay ikinuwento niya ang tunay na nangyari sa kanila ni Gilles sa store.

Nang sabihin nito na kailangan ng magsoot ng facemask ay agad sagot ni Gilles na hindi niya kailangan magsoot nito.

Maglalabas pa sana ng isang papel si Lenin na ang nilalaman ay lahat ng costumer ay kinakailangan magsoot ng facemask, agad siyang pinag mumura umano ni Gilles at inulit ulit na hindi niya kailangan ng facemask.

Sumunod daw na pangyayari ay umalis si Gilles at maya maya ay bumalik para kuhanin ang pangalan niya at kinuhanan siya ng litrato.

“I thought that was going to be end of it, I didn`t know it was going to come to this” Ikaw ni Lenin.

Dagdag pa ni Lenin bago pa daw dumating itong pandemic siya isang dance teacher sa mga bata. Kaya napagisipan niyang gamitin ang pera para makapag focus siya sa pagtuturo ng pagsasayaw.

Add Comment