Natatandaan nyo pa ba si Anna Larrucea sa Magic Temple? Ito na ang kanyang masayang buhay ngayon matapos iwan ang showbiz

Loading...

Marami ang artista na nanatili sa showbiz kahit pa magkaroon ng pamilya, at ang iba naman ay umaalis para maghanap ng ibang trabaho o di kaya ay umalis sa showbiz para mamuhay ng normal, simple at tahimik na buhay kasama ang pamilya.

Isa sa mga umalis at nalisan ang mundo ng showbiz ay ang dating sikat na Child Star na si Anna Larrucea, Iniwan niya ang mundo ng showbiz para magkaroon ng simple at tahimik na buhay.

Kaya naman ngayon ay masayang namumuhay ang dating Magic Temple star kasama ang kanyang napangasawa na si Robert Pangilinan at ang kanilang anak na lalaki.


Taong 90`s ng makilala at sumikat sa mundo ng showbiz ang pangalang Anna Lurrucea at nakilala siya bilang isa sa mga popular teen actress.

Isa din si Anna sa Child Star na mapapanood sa afternoon show nong 90`s na “Ang TV”, at ilan sa mga kanyang proyektong kinabilangan ay ang Gimik, Kaybol at Mula sa Puso.

Hindi rin maikakaila na marami ang humanga at nagkagusto kay Anna noon, Dahil sa kanyang natural na ganda at karisma kung saan hanggang ngayon ay kitang kita mo sa kanya.

Kabilang din si Anna sa mga naging bida sa ‘Batang X’ noong 1995, ‘Ang TV:The Movie’ noong 1996 at ang ‘Batang PX’ noong 1997.

Ngunit ang isang proyekto na talagang tumatak sa lahat ng manonood at pikamalaki niyang proyektong kinabilangan ay ang ‘Magic Temple’ noong 1996.

Isa si Anna sa mga artista na iniwan ang makinang na bituin sa mundo ng showiz, Upang mamuhay ng simple malayo sa kanyang kinalakihan sa showbiz industry.

Masaya ngayon ang dating Child Star sa kanyang buhay bilang housewife at mommy sa kanyang mga anak.

Marami parin hanggang ngayon ang nakakakilala parin sa aktres na si Anna Larrucea at lalo na ang mga batang 90`s na talaga naman hindi makakalimutan ang dating Magic Temple Star.

Loading...