Ito pala ang kahulugan ng sampung tattoo ng aktress na si Nadine Lustre

Loading...

Sabi ng iba, ang mga tattoo daw ay may kaniya kaniyang ibig sabihin. Ayon naman sa iba,ito daw ay isang form of art na nais nilang maitatak sa kanilang katawan bilang pag kakakilanlan.

Ganoon din ang sikat na sikat na aktres na si Nadine Lustre. Naitalang mayroong 10 tattoo na ginawaan naman ng netizen na si Yvone JaDine Alamag ng compilation ukol sa mga ibig sabihin nito.

Nozomi Komiya

Ito ay ang Japanese translation umano ng kaniyang pangalan. Komiya naman ay ang kaniyang apelido pagkat may may lahi din siyang Japanese. Habang ang Nadine ay ibig sabihin ay hope at sa Japanese term ay Nozomi.

Rose

Ito daw ay isa sa kaniyang paboritong bulaklak at sumisimbulo ng self- love.

Nakayapak at Nahihiwagaan

Ito naman ay mula sa lyrics ng Tadhana ng Up Dharma Down na paboritong kanta ng kaniyang kapatid na lalaki. Ipinatattoo niya ito noong death anniversary ng pumanaw na kapatid.

Oh la la

Sumisimbulo naman ito ng pagmamahal at paghanga kay Lady Gaga.

Ma Cherie

Ito naman ay French term ng “My sweetheart” o para kay Nadine ay “i am my own sweetheart”.

Wrist Tattoo

Ito naman ay ang matching tattoos nila ng kaniyang tatlong best friends na sina Lauren, Andrea at Kiana.

Heart

Ito ang nag papaalala kay Nadine na “to do everything with love.”

Crescent Moon

Hango sa kantang Everglow ng Coldplay na may lyrics na “And though you might be gone, and the world may not know. Still I see you, celestial.” Na nag papaalala sa kaniya ng mga taong umalis sa kaniyang buhay.

Vine

Nag papaalala sa kaniya na manatiling mapagkumbaba.

Ego Omnia

Ibig sabihin ay “i am everything.”

Loading...