Angeline Quinto, binilhan ng panibagong motor ang kaniyang driver bilang pasasalamat nito sa serbisyo na hinangaan ng mga netizens

Loading...

Ang isang pagiging personal na driver ng isang celebrity ay hindi madali. Dito, kinakailangan nilang halos ibigay ang kalahati ng kanilang buhay para sa serbisyong kanilang ginagawa.

Maaaring sabihin ng iba na napaka swerte ng mga empleyadong nakakasalamuha ang mga sikat na personalidad.

Ngunit sa kabila ng swerteng iyon, naroon pa din ang kalungkutang mawalay sa kanilang mga pamilya para lang mag trabahokagaya ng iba.

Katulad na lamang ng driver ng singer na si Angeline Quinto. Ang driver niy ay pamilyadong tao din. May pinapaaral, pinapakain at binubuhay.

Ayon kay Angeline, malaki daw ang utang na loob niya sa kaniyang driver pagkat palagi nitong inihahatid ng ligtas ang singer sa kahit na saan man ito mag punta maging sa pag uwi.

Makikita sa isang IG post ni Angeline na ilang buwan niya na daw napapansing nahihirapan ang kaniyang driver sa personal nitong motor kaya naman nakita niya itong dahilan upang mag karoon ng pagkakataong bigyan siya ng parangal at bilhan siya ng bago.

“Ilang buwan ko narin nakikitang nahihirapan si Kuya Boy(Ang mahal naming driver) sa pag start ng motor niya, tuwing uuwi siya ng Antipolo, dahil nga daw matagal na, pumapalya na ang makina.” Sabi niya

Dag dag pa niya, “Kahapon, sabi ko sakanya, samahan niya kaming bumili ng motor para sa kamag anak ko, siya ang pumili pati kulay at kung anong klaseng motor, ang tagal namin paikot ikot para makapili, hanggang inabot ko sakanya ang susi ng motor niya, ayaw niyang tanggapin kasi alam niya binibiro ko siya.”

Pahayag pa ng singer, alam niya daw kung gaano kabait na ama ang driver niya kaya naman sa simpleng token na ito ay nais niyang mabigyang kaligayahan kahit papaano ang kaniyang driver.

“Alam ko rin ang pagod at hirap niya bilang isang Tatay para sa mga anak niya at para sa buong pamilya niya. Sa simpleng bagay na ito sana siya naman ang napasaya namin”

Loading...