Silipin ang masayang quarantine married life nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na magkasama ngayon sa iisang bahay

Loading...

Masaya si Matteo sa kanyang buhay may asawa at sobra ang kanyang pasasalamat na parang pangarap lang ang lahat na ito na maging asawa ang isang Sarah Geronimo.

Dahil sa ipinapatumad ngayon na quarantine halos buong araw silang magkasama at lahat ng oras nila ay nakatuon sa isa`t isa at gumagawa ng masasayang alala na magkasama.

Ayon pa kay Matteo sa isang panayam sa kanya ng ABS-CBN News, marami pa siyang nadidiskubre at nakikita sa pagkatao ni Sarah lalo na ngayon na sila ay magkasama sa isang bahay.

“Marami. I think every single day is a blessing. Every single day, I am so thankful that I get to sleep and wake up beside her. Up to now, it`s still a dream,” aniya.

Simulang sila ay magsama sa iisang bahay ang naging bonding nilang mag-asawa ay ang pagluluto, pag-e-ehersisyo, paglalaro sa kanilang mga alagang aso at huli ay pag-uusap tungkol sa kanilang buhay-buhay.

Naikwento din ni Matteo ng sa una ay medyo nahihirapan sila dahil hindi nila alam ang una nilang dapat gawin, ngunit kalaunan din ay nakagawa sila ng mga schedule o routine na dapat nilang gawin bilang mag-asawa.

Dagdag pa ni Matteo, wala pa sa kanilang plano ang gumawa ng baby dahil sila ay bagong kasal pa lamang nais muna nilang i-enjoy ang buhay mag-asawa na sila lang ang magkasama.
Hangga`t hindi pa sila nagkakaanak ayon kay Matteo, mananatiling prayoridad niya ang kanyang Asawa dahil ngayon sila ay iisa na lamang bilang mag-asawa.

Matatandaan natin na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-asawang Matteo-Sarah at Mommy Divine sa kanilang kasal mismo.

Naging kontrobersyal ang dalawa. Ngunit sa kabila ng lahat nakasuporta pa din ang kanilang mga tagahanga sa kanilang mag-asawa at sinasabing tatagal ng panghabangbuhay ang pagsasama ng dalawa at magkakaron ng masayang pamilya.

Loading...