Mariel Padilla, sinorpresa at ipinaghanda ng masasarap na pagkain ang mga kasambahay at sinama mag-swimming bilang pagbati sa Mother’s Day

Loading...

Kamakailan lamang nang nag diwang ang buong mundo ng pagkilala sa mga Ina o ang Mother’s Day. Tuwing pag sapit ng ikalawang Linggo ng Mayo ay ipinagdidiwang at isineselebra ito.

Sa kadahilanang lockdown at ECQ, mayroong mga anak at ang ina ang nangungulila sa isa’t isa dahil na-stuck ito sa trabaho.

Kagaya na lamang ng mga kasambahay nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez na hindi hinayaan ang pangungulila ng kanilang mga kasambahay na maging dahilan upang mawalan ng kwenta ang naturang mahalagang araw na iyon para sa mga ina.

Sinabi ni Mariel na “To me Mother’s Day is most important. Iba ang hirap at saya ng pagiging ina, I wanted all the moms in our household to feel that they should and deserve to be honored. Salamat dahil nanay nanayan din kayo ni Isabella”

Dahil isa silang buong pamilya sa loob ng kanilang bahay, hindi lamang siya ang pinag silbihan kung hindi siya mismo ang nag handa ng pagkain para sa kaniyang mga kasambahay.

Hindi lamang salu- salo sa pagkain kung hindi ay nag bonding din sila at nag swimming.

Ipinag malaki ni Mariel ang kaniyang mga kasambahay dahil sa kanilang dedikasyon sa kanilang pagtatrabaho para sa kanila.

Laking pasasalamat daw niya sa kanilang pag tulong mag alaga ng kanilang mga anak. Ganoon na lamang ang pagmamahal ni Mariel sa mga ito kaya naman hindi na sila iba dito.

Nagpaabot din ang pagbati si Robin Padilla para sa mga ina sa buong mundo lalo na sa kaniyang pamilya at mga kaibigan.

Loading...