Team Kramer, pinaayos ang barong-barong na bahay ng kanilang kasambahay sa probinsya bilang sorpresa

Loading...

Muling tinupad ng Team Kramer ang isa sa mga pangarap ng kanilang kasambahay na Yaya Joy’s Dream Home.

Ang Team Kramer ay binubuo ng limang miyembro ng pamilya. Ito ay sina Doug, Cheska, Kendra, Scarlet at Gavin.

Ang tinaguriang haligi ng pamilyang ito na si Doug Kramer , kilala bilang isang sikat na manlalaro sa larangan ng basketball, si Cheska Kramer naman ang ilaw ng pamilya na kilala bilang isang teen doll sa mundo ng showbiz.

Ang kanilang tatlong supling ay sina Kendra ang panganay,  Scarlet ang pangalawa at si Gavin na bunsong anak Team Kramer ay kilala sa mga endorsement na kanilang ginagawa na naipapalabas sa telebisyon.

Kilala din sila sa pagkakaroon ng Youtube channel na kung saan sinusubaybayan ng mga social media users at kanilang mga subscribers.

Madaming beses nang naipakita ang itsura ng kanilang tahanan sa mga taga hanga. Nitong mga nakaraan lamang ay matatandaang sinurpresa ng Team Kramer ang kanilang mga kasambahay.

Bukod sa pagkakaroon ng maayos na lugar at matutuluyan sa bagong tahanan binilhan din ng pamilyang Kramer ng isang automatic washing machine upang hindi na mahirapan pa maglaba at mabawasan ang mga gawain.

Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang sorpresa ng Team Kramer, lalong lalo na sa kanilang yaya na si Yaya Joy.

Base sa Team Kramer, si Yaya Joy ay isang napaka-buting kasambahay. Hindi lang basta alaga ang turing nito sa mga bata bagkus minahal at inaruga niya ito na parang totoo niyang pamilya.

Bilang isang pasasalamat at regalo sa darating na pasko sa kanilang butihing yaya, pinarenovate at ipinaayos ang bahay ni Yaya Joy sa probinsya.

Ibinahagi ng Team Kramer na simula pa lamang ng pagpasok nito sakanila ay pinag iipunan na ni Yaya Joy ang pagpapaayos at pagpapagawa ng bahay sa probinsya upang maging komportable ang nanay at anak nito.

Hindi maitatago ang saya at lubos na pasasalamat ng ng kasambahay sa kaniyang mga amo.

Ayon sa kasambahay, mas panatag na siya sa kaligtasan ng kaniyang ina at mga anak sa komportable at maayos nilang bagong tahanan.

Loading...