Non-Showbiz boyfriend ni Kiray Celis, may nakakaantig na mensahe para sa kanyang nobya na si Kiray

Loading...

Pagdating sa pag-ibig hindi magpapahuli diyan ang aktres na si Kiray Celis at ang kanyang non-showbiz nitong boyfriend na si Stephan Estopia.

Kamakailan lang ay nag-alay si Stephan Estopia ng kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng isang mensahe.

Siguro nga ay ordinaryong araw lamang at walang anumang okasyon, ngunit nagmistulang araw ng mga puso para sa aktres na si Kiray matapos mag post ng isang mensahe sa Instagram ang kanyang boyfriend.

Sa kanyang Instagram post, Ibinahagi ni Stephan ang kanyang pagmamahal kay Kiray kasama ang isang larawan na hawak niya ang kamay ng aktres.

“Ikaw lang iyong tama at magandang nangyari sa buhay ko. Mahal na mahal kita”, isa sa mga pahayag niya sa kanyang post.

Makikita pa sa post ni Stephan ang kanyang tunay na pagmamahal sa aktres at kung gaano ito nagpapasalamat at nakilala si Kiray na talaga naman na ikinakalig ng mga netizens.

Samantala, Ayon kay Kiray sinabi niya sa isang panayam sa kanya kung paano ang simula ang kanilang lovestory ni Stephan.

Sinabi niya na matagal na daw silang magkakilala nito dahil si Stephan daw ay kaibigan umano ng kanyang kapatid, at kamakailan lang sila naging malapit sa isa`t-isa.

Dagdag pa niya na hindi basehan ang matagal na pagkakakilanlan para magkaroon ng masayang relasyon, Bagkus ang kailangan ay ang respeto at paggalang sa bawat isa.

 

“I had a relationshop, magti-three years din kami,” aniya. “Pero iyon nga, may mga taong darating sa atin to teach us lang a lesson.

Hindi iyon para makasama natin habambuhay, So, siguro, siya iyong tao na iyon for me.

Ang dami ko rin kasing natutunan. At na-realize ko, kahit gaano mo katagal kilala iyong isang tao, kung hindi talaga siya para sa iyo, hindi siya para sa iyo.

Hindi siya naba-base sa kung gaano mo katagal kilala iyong tao na iyo, king hindi kung gaano ka nirerespeto ng tao na pumapasok sa buhay mo.”

Dagdag pa ni Kiray na talagang mahal na mahal daw siya ng kanyang boyfriend dahil sa tuwing sila ay nag-aaway ay nauuna pa daw umiyak ang kanyang boyfriend.

At maliban pa dito ay talaga naman na mabait, magalang at malambing daw ang kanyang boyfriend.

Maalala nati na noong Disyembre 2019 nang maging opisyal ang kanilang pagiging magkasintahan.

Siguro nga ay bago pa lamang ang kanilang relasyon bilang magkasintahan ngunit tila napakatagal na nilang magkasama dahil sa dami na ng mga masasayang ala-ala na kanilang nabuo at sa dami na ng kanilang pagsubok na nalampasan upang naging daan para maging matatag ang kanilang relasyon.

Loading...