Ito pala ang elegante at napakalaking bahay nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez – Alacid na mapapa-sana all ka na lang

Loading...

Sa nalalapit na pagtatapos ng 2019, isang video ang pinost ng songbird na si Regine Velasquez sa kaniyang “vlang” na kung saan kasa kasama niya ang kaniyang anak na si Nathaniel James Velasquez Alcasid.

Sa naturang video na naglilibot libot sa kanilang tahanan.

Habang nagsasalita ang songbird na si Regine sa video ay makikitang tuwang tuwa ang kaniyang anak habang nakasunod sakaniya.

Ipinakita dito ang three-story house na napapalibutan ng mga dekorasyon ng kapaskuhan. Ibinahagi ni Regine ang ilan sa mga tradisyon, ginagawa at mga plano ng kanilang pamilya tuwing kapaskuhan.
Ramdam na ramdam na ang pasko sa tahanan nina Regine Velasquez Alcasid at Ogie Alcasid sapagkat ang kanilang tahanan ay napaliligiran ng disenyong kapaskuhan na puno ng floral at pastel theme na nagbibigay ng kakaibang ganda rito.

Sa kanilang hagdan ay may makikitang maliliit na ibon na may kulay na white at gold, at sa kanilang dining table naman ay makikita ang rose at pine cones na may candelabras.

Hindi naman talaga magpapahuli ang kanilang Christmas tree na kung saan napapalamutian ito ng mga pastel colored flowers, white at transparent Christmas balls, at muli, may mga gold na pine cones din ito.

Ayon kay Regine, ang nag ayos ng dekorasyon ng kanilang tahanan ngayong Christmas season ay ang florist at event stylist na si Michael “Badang” Rueda na kung saan ito rin ay isa sa mga nag ayos ng kanilang wedding ng kaniyang asawang si Ogie Alcasid.

Ipinakita rin dito na mayroon silang ipinasadyang elevator sa loob ng kanilang bahay para sa magulang ni Ogie upang di na nga naman mahirapan sa pag akyat patungo sa iba’t ibang palapag ng kanilang bahay.

Ayon kay Regine, gaganapin nila ang pasko sa Austraia upang makasama ni Ogie Alcasid ang anak na si Sarah Alcasid.

Gayon pa man, binanggit sa huli ng songbird na nais niyang magpasalamat sa lahat lahat ng blessings na dumating sakanila ngayong buong isang taon.

Loading...