Hindi inaasahan ng pulubi na ito na ang kanyang inampon na aso ay siyang magpapayaman sa kanya at magdadala ng maraming pera

Loading...

Sa buhay, mayroong kasabihan na kung ano ang iyong itinanim, siya mong aanihin. Kung kasamaan ang iyong ibinigay, kasamaan din ang babalik sa iyo.

Ganun din sa kabutihan, maaaring dumating ito sa hindi mo inaasahang panahon at pagkakataon.

Kagaya na lamang ng nangyari sa isang maatandang palaboy na nag ampon ng isang asong kalye.

Ang matandang nasabi ay si Tatay Dante. Tanging sa panlilimos lamang siya umaasa upang mabuhay sa araw araw.

Magkano man ang kaniyang nalikom ay iyon ang kaniyang pinag tutustos sa sarili. Wala siyang sariling bahay upang uwian.

Minsan ay nag lilinis siya ng mga sapatos upang pandagdag kita. Pagkatapos nito, siya ay natutulog sa kung saan lamang siya abutan ng dilim.

Sa kabila ng lahat ng kaniyang paghihirap sa buhay, nasa puso niya pa din ang pagiging maawain at matulungin sa kaniyang kapwa o sa kahit na sa hayop pa yan.

Isang araw habang naglalakad si Tatay Dante at namamalimos, nakakita siya ng isang asong kalye na nangangatog na ang katawan dahil sa lamig ng panahon.

Nang makita niya ito, ni hindi man siya nag dalawang isip kupkupin ito at pinangalanan itong Bruno. Simula noon ay sumusunod na ito sa kung saan man siya mag punta.

Kapos man sa pera si Tatay Dante, sinisigurado niyang makakakain pa din ang kaniyang alaga na si Bruno.

Naging sobrang saya ni Tatay Dante simula nang inalagaan niya si Bruno. Nakakasigurado siyang mayroon nang mananatili sa kaniyang tabi at hindi na muling aalis.

Ganon din ang pakiramdam malamang ng alagang aso na si Bruno sapagkat nakatagpo siya ng isang among mahal na mahal at alagang- alaga siya.

Hanggang sa isang araw ay bumalik sa kaniya si Bruno na may dala- dalang maruming bag at nang kanilang tingnan ay may laman itong limpak limpak na pera.

Agad nilang dinala ito sa p0lice station at ang sabi ng mga pulis ay nasa Php 2M ang laman nito.

Sa kanilang lugar ay may city ordinance na kapag hindi nalaman ang may- ari ng perang iyon ay ibibigay na lamang ito sa kung sino ang nakakita.

Ilang buwan ang lumipas at wala pa ding report ukol sa perang nasa loob ng bag. Kaya naman nag desisyon ang mga ito na ibigay kay Tatay Dante at sa alaga niyang si Bruno.

Ligayang ligaya ang dalawang ito dahil sa kanilang natanggap. Nais niyang gamitin ang perang ito para akapag patayo ng bahay para sa mga katulad niyang palaboy at syempre hindi mawawala sa plano ang kaniyang lucky charm na si Bruno.

Loading...
Tags: