Akala ng marami ay pinakasalan niya ang matanda dahil sa pera, ngunit ang katotohanan ay siyang nagpaiyak sa marami

Loading...

Sa panahon ngayon ay maraming mapanghusga o mapang-mata sa kanilang makikita lamang at hindi malalaman ang tunay na dahilan dahil ang ibang tao ngayon ay nakadepende sa kanilang nakikita.

Aminin man natin o hindi, maraming ganitong sitwasyon ang nangyayari ngayon. Mas lamang ang panghuhusga bago alamin ang katotohanan.

Gaya na lamang nitong senaryo na ito. Isang 25-anyos na babae ay nagpakasal sa isang 87 anyos na lalaki.

Binatikos ang batang babae tungkol sa pagpapakasal nito sa matandang lalaki. Maraming negatibo na mga komento ang natanggap ng babae patungkol sa mga larawan na ito. Nag-viral ang mga larawan na ito ngunit di alintana sa babae.

Nakilala ang babae na ito na si Fu Xuewei, 25 taong gulang mula sa Chengdu China. Nakatanggap siya ng ma masasakit na salita at pinag-isipan ng masama kaya pinakasalan ang matanda.

Ang larawan na kasalan ay kunwari lamang. Ang wedding photoshoot ay isinagawa para lamang sa kanyang lolo na 87 taong gulang na may karamdaman na.

Ang nag-alaga kay Fu Xuewei ay ang kanyang lolo. Pangarap ng kanyang lolo na makalakad sa prusisyon sa kasal ng kanyang apo habang nabubuhay pa ito. Ang pangarap na ito ay tinupad naman ni Fu Xuewei.

Dahil sa hindi pa handa magpakasal ni Fu Xuewei, gumawa siya ng mga hakbang upang maranasan ng kanyang lolo ang naturan pangarap.

Gumastos sa kasuotan, lugar ng kasal, photographer at simbahan upang maparamdam niya sa kanyang lolo ang kanyang pagmamahal bago ito mawala sa mundong ibabaw.

Hindi man tunay na kasal, panigurado ay napasaya naman daw niya ang kanyang lolo. Naging positibo si Fu Xuewei sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa kanyang lolo kahit kabi-kabila ang pagbabatikos sa kanya.

Ayon pa kay Fu Xuewei, “I had my grandfather’s portrait tattooed on my arm in January because I want my new friends and my children to be able to know what he look like in the future.”

Loading...
Tags: