Lalaki, sinorpresa ang nobya at bumiyahe ng napakalayo habang nakasuot ng pang-maskot ngunit ito ang kanyang nadatnan

Loading...

Minsan ang distansya ay nagpapasubok sa nagmamahalan kung kayo ba ay lalaban at magiging matibay lalo na kung magkalayo kayo at hindi madalas magkita.

Gaya na lamang ng lalaki na ito mula sa China, bumiyahe siya ng 2,400 kilometers para i-surprise ang kanyang girlfriend para sa kanilang special na okasyon.

Gusto niya ito bigyan ng sorpresa at mapasaya dahil sa kanilang distansya ay bilang lamang sila kung magkita.

Bumili ng mascot costume na teddy bear ang lalaki kung saan siya mismo ang nagsuot habang hinahanap niya ang kanyang girlfriend na malapit sa pinagtatrabahuhan nito.

Nang tanungin ng lalaki kung nasaan ang kanyang girlfriend ay sinabi naman nito kung nasaan siya dahil walang ideya ang kanyang girlfriend na naroon rin siya.

Nahanap naman ng lalaki ang kanyang girlfriend ngunit imbis na i-sorpresa niya ang kanyang girlfriend, siya ang nagulat dahil sa hindi niya inaakala ang kanyang makikita.

Namataan niya ang kanyang girlfriend sa isang mall habang bumibili ng pagkain na may kasamang ibang lalaki na nakayakap sa kanya.

Makikita naman sa kanilang galaw ay tila may relasyon dahil sa nakayakap ang isang lalaki sa kanyang girlfriend.

Inalis ng lalaki ang costume nya sa kanyang ulo kung saan nakatingin siya sa dalawang magkasintahan.

Ang dalawang magkasintahan ay nakaramdam na may nakatingin sa kanila. Paglingon ng babae ay nagulat siya sa kanyang nakita dahil ang kanyang original boyfriend ay nakatayo sa harapan nya habang siya ay may kasamang iba.

Nang naramdaman ng lalaki na nakatingin sa kanya ang dalawang magkasintahan ay ibinalik niya ang ulo ng mascot sa kanyang ulo at tumakbo na lang ito papalayo.

Hinabol ng babae ang lalaki at humihingi ng tawad. Niyakap ito ng babae ngunit ang lalaki ay sobrang nasaktan kaya ang pagyakap sa babae pabalik ay hindi nito magawa.

Maging aral din sana ito sa mga Long distance relationship na kung hindi kaya ang ganitong relasyon ay huwag ng pasukin dahil kawawa din ang nasa malayo kung lolokohin lang din.

Loading...
Tags: