Akala ng magsasaka na ito ay simpleng butas lamang, nang silipin ay namangha siya sa mala-paraiso na hitsura nito

Loading...

Sa Pilipinas ay marami pa tayong hindi nadidiskubre at marami rin mga lugar na maipagmamalaki dahil sa likas na ganda at yaman nito.

Tulad na lamang ng underground river sa Palawan, lumang mga bahay sa Vigan, Mayon Volcano sa Bicol, magandang tanawin sa Batanes at marami pang iba.

Talaga naman pinagpala ang Pilipinas sa magagandang tanawin na maipagmamalaki talaga natin atin ito.

Marami rin ang nagnanais maglibot sa iba’t ibang lugar dahil sa magagandang tanawin. Marami rin mga lugar ang hindi pa natatagpuan ng mga tao.

Gaya na lamang ng isang paraisong natuklasan ng isang magsasaka matapos matagpuan ang isang kuweba sa Vietnman noong 1991. Ang lugar na ito ay tinatawag na Phon Nga-Ke Bad National Park.

Nadiskubre ito ng magsasaka habang naglalakad ay napansin diumano na may umaagos na tubig na nanggaling sa loob ng isang kuweba.

Sinundan ng isang magsasaka kung saan nanggagaling ang tubig at bumungad sa kanya ang isang napakagandang lugar.

Ang nasabing kweba ay kilala sa tawag na Son Doong na ang kahulugan sa Ingles ay “Water Cave”.

Nang matuklasan ito ay agad ito pinuntahan ng mga mananaliksik upang makita at suriin ang nasabing kuweba.

Ayon sa mga researchers ay hindi sila makapaniwala sa mala-paraisong taglay ng kuweba. Mayroon daw itong dalawang lawa sa loob at mayroon din iba’t ibang uri ng mga halaman at faunas. May mga naninirahan din na mga organismo sa loob dahil sa mahalumigmig na hangin sa loob.

Dagdag pa ng researchers ay kakaiba ang nasabing kuweba dahil napakanatural ang ganda nito at hindi malilimutan ang ekspiryensya ang makararanas na makapunta sa loob ng kuweba.

Marahil dito sa Pilipinas ay may mga ganitong paraiso din na hindi pa nadidiskubre kung saan nakakahumaling ang kagandahan at napakantural ang likas na ganda. Dapat din tayong magpasalamat at preserbahin ang ganitong klaseng regalo sa atin.

Loading...
Tags: