Silipin ang napakalaki at napakagandang bahay na Asian Glass nina Zsa Zsa Padilla at asawa nitong si Conrad

Loading...

Ang mag karelasyon na sina Divide Diva Zsa Zsa Padilla at Architect Conrad Onglao ay nag kakilala dahil sa pinsan ni Zsa Zsa na si Mega Star Sharon Cuneta na kaibigan naman ni Conrad.

Ngunit bago pa magkakilala ang dalawa ay pareho na silang naikasal sa kani-kanilang naging karelasyon noon. Pero ngayon na natagpuan na nila ang tunay nilang pag-ibig sa piling ng isa`t isa hindi matatawaran ang kanilang kasayahan sa kanilang relasyon.

Nang sila ay ma-engage noong taong 2014 ay nagsama na sila sa isang bahay sa kanilang tatlong-palapag na moderno at eleganteng glasshouse na matatagpuan sa Makati, Na kung saan ang mismong nag disenyo ay ang lalaki sa buhay ni Zsa Zsa na si Architect Conrad.

Kung makikita mo ito talaga naman na ikaw ay mamangha dahil sa pagka elegante ng disenyo nito. Lalo na kapag nag dilim na o sumapit ang gabi lalong makikita ang pagkaganda nito dahil sa dramatic lightning na nagpapatingkad dito.

Mapapansin mo din sa kanilang bahay ay walang gate, Dahil ayon sa ating source ayaw daw ni Architect Conrad na mag lagay nito dahil ayaw nito na magkaroon ng barriers upang hindi maharang ang kanilang bahay at makita ito at matanaw ng mga dumadaan.

Pero wala man itong gate ay naglagay naman ang arkitekto ng mga security system para sa kanilang kaligtasan.

Pagdating naman sa mga halaman ay madami itong magagandang uri ng halaman na nakapalibot sa mansyon nina Architect Conrad at Zsa Zsa na maaayos ang landscape nito. Ilan sa kanyang mga halaman ay ferns, Buddha belly, elephant ears, selloums.

Makikita naman sa ibang parte ng bahay na talagang mapapahanga ka sa ganda nito na may pag ka moderno pero elegante ang disenyo.

Sa isang parte ng kanilang bahay na talagang mamangha ang makakapasok dito dahil napaka-welcoming ang porma nito. Makakita ka din dito ng isang malaking salamin na nakaharap sa pintuan dahil ayon sa arkitekto na swerte daw ito, isa itong pamahiin ng mga Pinoy na pinaniniwalaan ng arkitekto

Sa kanilang Livingroom naman ay makikita mo na pinalilibutan ng clear glass panels simula ceiling nito hanggang sa sahig kung kaya naman na mas naging maaliwalas ito tignan at maliwanag.

Sa kanilang mga gamit naman hindi rin biro ang mga ito, Tulang ng isang sofa na naka L-shaped, clear coffee tabke at ang isang carpet na may disenyong zebra print na mas nagbigay buhay sa area na ito.

Mayroon din silang isang grand piano na makikita sa isang bahagi sa kanilang bahay. Ngunit ayon kay conrad ay nagagamit lang ito kapag may okasyon at may bisita silang professional pianist dahil hindi naman daw sila marunong gumamit nito.

Sa kanilang dining area naman mapapansin mo na parang tulad lang sa kanilang living area ito ay napapalibutan din ng clear glass panel simula sahig hanggang ceiling kaya naman kitang kita mo dito ang mga magagandang tanawin habang ikaw ay kumakain.

Ang kanila naman kusina ay may pagka-elegante. Ang kanilang kagamitan ay halos lahat ay may kulay puti. Mayroon din isang informal dining area na kung saan ay dito sila madalas nagaalmusal.

Sa ibang parti naman ng bahay ipinasadya ng arkitekto ang isang modernong hagdanan. Sa railings pa lamang nito na kung saan gumamit ng isang clear tempered glass ay talagang elegante munang titignan.

Isa sa pinakamalaki at malawak na parti ng kanilang bahay ay ang kanilang master`s bedroom, na kung saan ayon kay Conrad ng ceilings height nito ay pwedeng umukupa ng dalawang palapag.

Ang kanilang kama na ubod ng lambot na kung saan sa may itaas nito ay may nakasabit na mga paintings at sa gilid naman ng kanilang kama ay may mga dekorasyon na makikita na isang shelves na mas nagbigay ng mas-class na dating.

At ang huli ay ang kanilang master`s bathroom na may fixtures na pangbabae at panlalaki na kung saan ay may dalawang showers areas ito na gawa din sa clear glass.

Loading...