Delivery Rider na minamaliit sa kaniyang trabaho, nagbigay ng malinaw na pahayag sa social media na ikinaantig ng lahat

Loading...

Mahirap na nga namang humanap ng mga trabaho ngayon. Ngunit ang mas mahalaga ay may kinikita ka at maranga ang trabahong iyong nakuha.

Nakakalungkot lang talaga na may mga taong binabase ang iyong pagkatao sa trabahong pinagkakabuhayan mo.

Sikat na sikat na ngayon ang mga food at parcel delivery riders dahil na nga sa makabagong panahon na one tap, one click ay maaari mo nang bilhin o makuha ang orders na iyong gustong bilhin dahil sa mga apps at online buying.

Lalo na ngayong enhanced community quarantine, isa sila sa tinuturing bilang front liners dahil sa kanilang patuloy na pagseserbisyo sa kanilang mga customers kahit na delikado pa sa labas.

Sa isang Facebook post ng isang food delivery rider na si Brian Tabuzo, ipinahayag niya ang kaniyang opinion sa kaniyang katayuan ukol dito.

“Oh, p’re! Nag-Grab ka na lang pala? ‘Di ba college level ka naman? Bakit diyan ka bumagsak? Bata ka pa, ‘di ba? Marami pang trabahong better diyan”

Tanging bungisngis na lamang ang kaniyang nagiging kasagutan dahil di niya naman daw sukat akalaing ganoon kababa pa din pala ang tingin sa kanila bilang riders.

Hindi naman daw lingid sa kaniyang kaalaman ang kaniyang edad at madami pang pag pipiliang trabaho ngunit ang mahalaga para sa kaniya ay ang kasiyahang kaniyang nararamdaman sa tuwing siya ay nag tatrabaho.

“Pinili ko ito dahil masaya rito. Dito, ang mahalaga ay hindi kami nanlalamang ng ibang tao,” aniya

“Hindi rin naman ganoon kadali ang ginagawa namin. Nariyan ang risk ng aksidente, fake booking, scams,” aniya. “Pero masaya kami at mahal namin ito.” dagdag pa ni Brian

“Hindi naman namin hinihingi ang paggalang at appreciation ninyo. Ang importante, sa malinis na paraan namin kinukuha ang perang pinanggagastos namin.”

Lubos pa din siyang nag papasalamat sa mga taong nakakakita ng kanilang halaga at nakakaunawa sa kanilang trabaho at serbisyo.

Loading...
Tags: