Bride, nag-viral matapos kagiliwan ng marami sa kanyang sagot habang tinatanong ng Pari sa kanilang kasal

Loading...

Wala nang mas tatamis pa sa isang “Oo” o “I do” ng pinaka mamahal mong tao na nais mong makasama sa pag tanda at sa pang habang buhay. Ang pag papakasal ang pinaka pinapangarap at pinag darasal ng mga mag nobyo at nobya.

Sa pamamagitan ng kasal na ito maaari mo nang ipag malaki na ang taong iyon ay sayo at kailan man ay hindi na puwedeng angkinin ng iba.

Panunumpa sa loob ng simbahan, sa harap ng altar, pari, magulang, pamilya, mga kaibigan at sa harap ng Diyos ang isa sa pinaka masarap na pakiramdam.

Sa wakas, gigising at matutulog ka nang katabi ang taong pinangarap mo at gabi gabi mong hinihiling sa Panginoon.

Kadalasang sagot ng pagsang ayon sa kasal ay “ I do” ngunit ang isang future wife na si Princess na isang Batanguena ay kakaiba ang naging sagot sa tanong ng pari na talaga namang kinaaliwan ng mga bisita at netizens.

Ang video na nag viral ay mula sa post ni Thobits Dipasupil. Unang tanong ni father kay Princess ay “Princess, sumasang ayon ka ba na maging asawa si Silwi na naririto ngayon alin sunod sa batas at mga tuntunin ng ating banal na simbahan?” imbis na “I do”, ang sinagot ni Princess ay “Uho”

Sa susunod na katanungan ni father ay “Buong puso ba ang pagkakaloob mo sa kaniya bilang maybahay?” muling sinagot ni Princess ng “Uho”

Gayun pa man, ano man ang paraan ng kaniyang pag sagot, naroon pa din ang pag sang ayon na nais niyang makasama sa pang habang buhay ang lalaking kaniyang kaharap sa altar. Ani nga ng netizens na napaka cute ng naturang kasagutan ni Princess.

PAG GARNE SAGOT NG BABAE PIHONG MAPAPA UMIS KA

Posted by Thobits Dipasupil on Sunday, 18 February 2018

Loading...
Tags: