Babae, ginugol ang oras sa pag-aaral at nakapagtapos ng 20 na kurso sa online class habang sumasailalim sa ECQ na magagamit niya sa trabaho

Loading...

Isa sa kagandahang naidulot ng enh@nced c0mmunity quar@ntine ay ang pagkakaroon ng napakadaming oras upang magawa mo ang mga bagay na hindi mo nagagawa dala ng pagiging busy sa buong araw sa trabaho o sa mga daily routine mo noon bilang isang indibidwal.

Ngayong nasa kani-kanilang tahanan ang mga tao, mayroong mga nag rerelax lang at nanunuod ng movies, kinikilig sa palabas, pina tutuunan ng pansin ang skin care at pagiging fit ng kanilang katawan, food trip at bumabawi ng tulog.

Lahat ng maaaring gawin ay ginagawa upang pampalipas oras. Kaniya kaniyang diskarte nga naman kung paano mo gagawing productive at titingnan sa positibong magagawa.

 

Kagaya na lamang ng 28 anyos na si Paula Dahlia Mendoza mula sa Makati. Siya ay isang Financial Advisor, Motivational Speaker at Head ng Lazada Peers.

Dito pa lang sa kaniyang mga trabaho ay masasabi na nating napaka busy na tao ni Paula. Hindi lamang iyon, may nakamit din siyang karangalan bilang First Filipino Traveler sa loob ng tatlong buwan na isiniwalat ng History Channel.

Kagaya ng iba, naging libangan niya din ang panunuod sa mga movies ngunit kinasawaan niya din daw ito kaya naman nagdesisyon siyang ituon ang pansin sa pag-aaral at nag enroll sa mga online courses.

Sinimulan niya ito noong 2nd week ng April hanggang 2nd Week ng May ay nakatapos at na-kompleto naman niya ang 20 Ivy League at Global University Courses mula sa The Wharton School of University of Pennsylvania.

Talaga namang makakatulong sa kaniya sa pag-i-improve ng kaniyang kakayahan at kaalaman para sa kaniyang mga magiging susunod na trabaho.

Ayon sa kaniya, ang kaniyang pinaka naging paboritong kursong kinuha ay ang Achieving Personal and Professional Success na may araling Does Success Equal Happiness?

Mas pinagtuunan niya ng pansin ang mga kursong naglalayong maituro ang leadership, marketing, strategic management, at personal development.

Napatunayang legit din ang courses na ito pagkat mayroon itong mga quizzes, final examinations, case study, peer assignment, lectures at tunay na propesor na nag tuturo gamit ang online video.

Dahil dito, naging produktibo ang bawat araw ni Paula. Magmula tanghali hanggang sa madaling araw ay nag aaral siya. Nais niyang makahikayat ng mga kabataan o kahit na sinong may kagustuhang mag aral pagkat masasabi mod aw talagang ito ay sulit at hindi nakakaaksaya ng oras.

Loading...