Silipin ang napakaganda at eleganteng bahay ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na kanilang napundar

Loading...

Marami sa atin ang nakakakilala sa mag-asawang Carmina at Zoren, Dahil isa sila sa may pamilyang masasabing perfect family o kaya naman ay dream family.

Ang kanilang pamilya kung titignan ay sobrang napakatahimik pero masaya at sagana sila dahil bukod sa kanilang pag-aartista ay madami silang commercial kasama ang kanilang mag-anak.

Bukod sa kanilang mag-asawa ay kilala din ang kanilang anak na kambal na sina Mavy at Cassy. Sadyang pinagpala ang kambal dahil bukod sa magagandang mukha ay nabibiyaan din ito ng mga talento tulad ng pagsasayaw.

Dahil sa kanilang kasikatan at palage silang nakikitang mag-anak, marami tuloy ang nagtatanong at napapaisip kung ano nga ba ang itsura ng kanilang bahay.

Ayon kay Carmina hindi na sila kumuha ng interior design para sa kanilang bahay. Dahil sa pagkahilig ni Carmina sa mga magazine ay dito nalamang siya kumuha ng mga ideya.

Photo Credit: PEP

Sa kanilang sala makikita mo nga dalawang sofa na ang kulay ay malamig sa paningin at nakaka relax at may sofa na malapit sa hagdan at ang isa ay sa pinto sagit naman nito ang isang table.

Ang isang room naman para sa Entertainment na lugar ay may Orange na kulay mula sa set up na TV hanggang sa lahat ng sound system.

Photo Credit: PEP

Makikita naman sa kwarto ni Mavy ay ang kulay na Green at Yellow. Sa gilid nito makikita ang kanyang computer at sa taas nito ay ang mga display niya ng kanyang mga laruan.

Photo Credit: PEP

Pagdating naman sa kwarto ni Cassy ay tatambad sayo ang kulay na Pink at Yellow na tema ng kwarto nito. Babaeng-babae tignan at makikita mo pa dito ang mga manika at girl stuff niya dito.

Photo Credit: PEP

Sa kanilang taas naman mayroon isang kwarto na nagmistulang closet. Dahil puno ito ng kanilang mga damit, bags at sapatos. Sa kanilang garden naman ay sobrang aliwalas at refreshing dito din sila mahilig mag meryenda.

Photo Credit: PEP

Talaga naman na masasabing napakaganda ng kanilang bahay na sarili nilang disenyo, Pero bukod dito ang tunay na ikinaganda ng bahay ay kanilang pagmamahalan sa pamilya dahil lahat sila ay p0sitibo sa buhay at mayroon silang mababait at magagalang na kambal na sina Mavy at Cassy.

Loading...