Silipin ang naipundar na bahay ni Jennylyn Mercado sa kanyang pag-aartista at bilang Single Parent na hinangaan ng publiko

Loading...

Marahil marami satin ang nakakakilala kay Jennylyn Mercado, Para sa iba si Jennylyn ay unang nakilala sa industriya ng shobiwz at sumikat nung siya tanghalin bilang kauna-unahang grand winner ng StarStruck na isang talent search sa GMA-7.

Sa pagkakapanalo na ito ni Jennylyn ito ang naging daan paa sa maraming oportunidad sa kanya at isa sa mga naging bunga ng kanyang tagumpay sa pag-aartis ay ang kanyang mamahaling bahay sa Quezon City.

Sa kanyang pag-aartista nakabili si Jennylyn ng isang bahay sa Quezon City. Ito ay ng mga panahon na siya ay naghahanap ng bagong bahay para magsimula.

Ang kanyang nabiling bahay na may simpleng disenyo ay ipinaayos niya upang maging elegante ito ngunit kumportable tignan. Nang matapos ito ipayos ay nagmistulang itong isang apartment na nasa New York City.

Pagdating sa Foyer nito makikita ang dalawang upholstered high-black chairs, at sa gitna nito ay may isang console table.

At isang stylish Illuminati chandelier ang nakasabit sa kisame nito na nagbigay lalo ng pag ka elegante na dating sa bahagi ng tahanan.
Bukod sa talento ng aktres sa pagkanta ay marunong din siya gumamit ng ibat ibang instrumento tulad nalang pag kahilig niya sa gitara kaya naman sa kanyang music nook sa may living room ay makikita ang isang gitara at isang black Yamaha baby grand piano.

Napakaaliwas din tignan ng kanyang livingarea na kung saan ay may tufted couch, accent chairs na lahat ay kulay beige at ottoman. at ang kanyang carpet na bumagay sa kanyang living area ay may kulay na.

Sa kanya namang kusina ay makikita ang mga mamahalin at magagandang kitchen appliances. Kapansin-pansin din na napaka spacious ng kusina kahit na maramimng storage area dito.

Mayroon naman isang extra room na makikita sa unang palapag ng bahay ng aktres na maaring gamitin ng kanyang mga bisita. Sa loob nito ay may sarili itong bathroom na may wall-mounte shelves.

Sa kwarto nama ng kanyang anak na si Alex Jazz ay may tema ng Star Wars kaya naman makikita mo talaga ang room na to na pang lalaki. isang shelves naman nito nakalagay ang mga koleksyon na laruan ng kanyang anak.

Pagdating naman sa kwarto ng aktress ay kakaiba ang naging dating nito kumpara sa kanyang porma at design ng kanyang buong bahay.

Makikita mo dito na may pagka masculine ang kwarto ng aktres na dinisenyo ng Heim Intereriors na si Rossy Yabut-Rosales. Mayroon din itong light piees kung saan nagbibigay ito ng warm glow sa buong kwarto ng aktres.

At pagdating naman sa bandang uluhan ng kama ng aktress ay makikita ang isang painting na nilikha ni Benedicto “BenCab” Cabrera ng National Artist of Visual Arts.

Makikita din dito ang dalawang bisikleta na nakasabit sa dingding na ginagamit dati ng aktress . Ang isa dito ay mula pa sa italy na ginamit ng aktres sa isang karerang hindi nya makakalimutan na ginanap sa bataan.

Mayroon naman na isang malinis at magandang bathroom sa loob ng kwarto ni Jennylyn na tila isang spa rin. Mayroon din itong corner tub, open shower area at double sink.
At ang walk-in closet naman ng aktres ay naka konekta sa bathroom ng kanyang kwarto para madali itong makapag bihis pagkatapos nitong mag shower.

Makikita mo naman dito ang lahat ng kanyang magaganda at mamahaling damit, bag at sapatos na kanyang ginagamit araw-araw at may kanya kanyang lagayan ang mga ito kung saan nakasalansan ito ng maayos.

Loading...