Netizen, pinagkaguluhan matapos umimbento ng Spaghetti na Dinuguan Sauce para sa kaniyang meriyenda

Loading...

Hilig na ng mga Pinoy ang mag food trip. Isa ito sa malamang pampalipas ng oras, sa tuwing may bisita o kayaman ay kapag pumapasyal sa iba’t ibang lugar.

Dahil sa sarap ng mga pagkain na ating natitikman, paminsan ay nagagawa natin itong gayahin o di kaya man ay pag eksperementuhan.

Minsan mayroong mga pagkaing kakaiba na tayo lang mismo ang nasasarapan dahil sa umiiral na enh@nced c0mmunity quar@ntine.

Dahil na nga sa pagtitipid, nararapat lamang na kainin natin kung ano ang mayroon at huwag mag aksaya ng mga tirang pagkain sapagkat marami ang nagugutom.

Ngunit tila ang isang toý nasobrahan ata sa pagtitipid at pag-eeksperemento sapagkat kakaiba ang kaniyang naimbento.

Siya ay ang netizen na si Prince Quilang na kung saan ipinost niya ang larawan ng kaniyang Spaghetti Pasta na may Dinuguan Sauce.

Mababasa sa kaniyang caption na “Wala ng sauce ng spaghetti pero may dinuguan naman”. Marami ang nagtataka kung ano nga ba ang naging lasa ng ginawa niyang ito.

Iba iba nga naman ang panlasa ng bawat tao at maaaring ang iba ay nasasarapan dito, ang iba naman ay hindi talaga ito gusto dahil nakasanayan ng tao na ang spaghetti ay kulay pula ang sauce.

Ani nga ng iba, lakas daw ng trip nitong si kuya pero ganon talaga, may mga bagay tayong natutuklasan kahit na sa pabiro at pabigla biglang paraan.

Wala ng sauce ng spaghetti pero may dinuguan naman hehe

Posted by Prince Quilang on Sunday, 10 May 2020

Loading...
Tags: