Banana Artwork, kinain lamang ng isang lalaki na gutom na hindi alam na umaabot sa 6 mily0n ang halaga nito

Loading...

Lingid sa ating kaalaman na ang Sining ay maraming masugid na tagahanga. Kaya nilang gawin ang kahit anuman bagay na kanilang nanaisin sa isang art work.

Maging sa Pilipinas ay marami ang nahihilig sa ganitong uri ng mga obra kung kaya marami rin ang nangongolekta ng mga obra maestra at sining.

Ngunit alam nyo ba na posible ang isang artwork ay isang hinog na saging na nagkakalahaga ng milyon? Ang banana artwork na ito ay nakadisplay sa Miami, Florida art gallery.

Sa pamamagitan ng isang duct tape ay idinikit ito sa pader ng Galerie Perrotin ang isang hinog na saging.

Ang artwork na ito ay tinawag daw ito na “Comedian” at nabili daw ito ng isang French art collection sa halagang $120,000 o katumbas ng anim na milyon piso.

Ang lumikha sa sining na ito ay isang Italyano na nagngangalan Maurizio Cattelan.

Maaari napakasimple lamang tignan ng artwork na ito at hindi aakalain na nagkakahalaga ito ng milyon kaya marami ang nagulat nang kainin ito ng isang lalaki na nakilala bilang David Datuna na isang performance artist na nagmula sa Georgia, USA.

Bigla na lamang umano ito lumapit sa artwork at bigla inalis ang pagkakadikit nito sabay binalatan at kinain sa harapan ng maraming art fans.

Lumapit agad sa kanya ang isang gallery official at kinausap siya sa isang lugar patungkol sa kanyang ginawa. Naayos naman ang insidente at hindi naman daw masyadong nasira ang saging na artwork.

Ayon pa sa director ng museum relations ng Galerie Perrotin na si Lucien Terras, ang saging ang nagsisilbing ideya ng banana artwork na iyon.

Dagdag pa nito, ang mga art collectors ay interesado sa Certificate of Authenticity na makukuha nila sa isang artwork kung kaya ang banana artwork na ito ay hindi magtatagal at papalitan din.

Loading...
Tags: