Babae, nawalan ng malay sa kinatatayuan matapos malaman ang presyo na kanyang nabasag habang nagwi-window shopping

Loading...

Madalas ay may mga karatula tayong nakikita o isang babala sa mga pamalihan upang bigyan paalala ang mga customer na tumitingin ng mga gamit o pagkain.

May mga pagkakataon din na hindi maiwasan makasanggi ng isang gamit kahit anong ingat ang gawin at dahil sa insidente na maaari mangyari ang nagiging resulta ay nakakapanlumo.

Gaya na lamang sa nangyari na ito sa isang pamilya mula sa China. Matapos makagawa ang kanilang nanay ng isang insidente ay nasira ang kanilang bakasyon at nanlumo sa isang pagkakamali.

Napagdesisyunan ng pamilya na bumisita sa isang Jade Market sa Ruili City, Yunnan Province sa south western China.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, tumitingin tingin ang babae ng Jade Bracelet, ngunit sa hindi inaasahan na pangyayari ay nadulas ito mula sa kanyang kamay.

Kung alam lang nila na ganito ang mangyayari sa kanilang pagbisita ay makasigiguro na hindi na sila tutuloy dito.

Ang Jade Bracelet ay diretso nalaglag sa sahid kaya tuluyan ito nabasag at nahati sa dalawang piraso. Agad naman umaksyon ang may-ari ng tindahan dahil ayon dito ay mahal ang naturang Jade Bracelet na nabasag at kailangan ito bayaran ng nakabasag.

Nang malaman ang presyo ng Jade Bracelet, ang ginang ay tumaas ang presyon at nerbyos dahilan sa pagkawala ng malay.

Ang Jade Bracelet ay may halagang $44,110 o mahigit 2.2 million pesos. Nawalan ng malay ang ginang matapos marinig ang presyo na kanyang nalaglag na bracelet.

Sinusubukan ngayon ng pamilya na magbayad ng 500,000 pesos ngunit hindi ito tinanggap ng may-ari ng naturang bracelet. Sa huli naman ay nagkasundo ang dalawang panig na magbabayad na lamang ng 1.3 million para sa kanilang danyos na nabasag.

Ito ay isang babala rin na mahilig mag window shopping at tumingin sa mga mamahalin na gamit o store na mag-ingat dahil sa isang iglap ay maaari ang inyong kaligayahan at kasiyahan ay mauwi sa panlulumo.

Loading...
Tags: