Hindi kilalang babae na may dalang groceries, na-videohan matapos niyang gawin ito sa isang matandang pulubi na nanghihingi ng pagkain sa kanya

Loading...

Hindi na iba sa ating mga Pilipino ang maging matulungin at mapagbigay sa mga kapwa natin nangangailangan ng tulong.

Sa Pilipinas ay marami tayong makikita na matatandang nasa kalsada na walang makain at sariling matutulugan.

Gayun pa man, viral ang isang babae na kung saan makikita sa video na tinutulungan ang isang matandang lalake na ihanda ang kanyang pinamali na pagkain.

 

Sa post ng netizen na si Florendo Bonavente Bern, nakuhaan niya ng video ang pagtulong ng isang isang babae at agaran niya itong pinost sa Facebook dahil siya ay humanga sa kabutihan loob nito.

Sa kanyang caption ay nakalagay ang “Mabuting gawa! Yung pinamiling pagkain ni ate binigay na lang sa mas nangangailangan”

Ayon sa netizen, hindi nagdalawang isip ang babae na pumunta sa gilid at ibinigay ang pagkain at inumin na kanyang binili.

Makikita din na hindi lamang niya binigyan ito dahil siya mismo ang naglabas pa ng kanyang pinamili para makakain na ang matanda.

Hindi makikitaain din daw ang babae na pandidiri o kung anuman na ekpresyon sa mukha bagkus ay masaya pa siyang tumulong sa matanda.

Maraming netizens naman ang pumuri kay ate at humanga sa kanyang ginawa. Ang iba ay nagdadasal sa matanda at kay ate na may mabuting kalooban.

Mabuting gawa! Ung pinamiling pagkain ni ate binigay nalang sa mas nangangaylangan!..♡

Posted by Bernard B F on Thursday, 17 January 2019

Loading...
Tags: