Flight Attendant, napansin na umiiyak ang isang batang babae kasama ang isang kahina-hinalang lalaki at ito ang kanyang ginawa upang makahingi ng tulong

Loading...

Ano na lamang ang iyong gagawin kung makikita o masasaksihan mo na mayroong nanganganib ang buhay at alam mong may magagawa ka upang makatulong dito?

Kamakailan lamang nang sumikat ang isang flight attendant kung saan buong lakas ng loob niyang tinutulungan ang isang batang babae sa pamamagitan ng ng lihim na sulat na kaniyang ibinigay habang nasa cabin bathroom sa eroplano.

Ang naturang flight attendant ay nakilala bilang si Shelia Fedrick ng Alaska Airlines. Ayon sa kaniya, kapansin pansin daw sa hitsura ng batang babae ang bigat nitong dinadala sa kaniyang kalooban at mayroon itong kasamang kahina- hinalang lalaki.

 

Taong 2011 nang sumakay sa Seattle ang dalawang ito kwento niya sa NBC News Ayon sa kaniya, “(The girl) looked like she had been through pure he11.”

Ang batang babaeng kaniyang tinutukoy ay nasa edad 14 anyos hanggang 15 anyos daw. Nang lapitan at kausapin niya daw ang batang babae at ang kasama nitong lalaki, bigla na lamang daw itong kumilos na parang kakaiba.

Dahil sa nangyari, umisip ng iba pang paraan si Fedrick upang maabot ang pahayag ng batang babae “I left a note in one of the bathrooms.. She wrote back on the note and said, ‘I need help.”

Nang malaman na nangangailangan nga ng tulong ang batang babae, dali dali siyang gumawa ng paraan upang matulungan ito.

Ipinaalam niya ito sa piloto ng eroplano upang hindi mahalata ng lahat. Bumaba sa San Francisco ang eroplanong kanilang sinasakyan at doon ay mayroon nang nakaabang na mga pulis at mga otoridad para hulihin ang lalaking iyon

Naitaas naman sa isang training workshop ang pangyayari na inayos ng nonprofit Airline Ambassadors. Ang grupo ng founder na si Nancy Rivard ay agad nag volunteer ng two-day training session para sa mga flight attendant upang malaman ang dapat gawin sa kaparehong sitwasyon

Loading...
Tags: